12-MAN GILAS POOL SASABAK SA EUROPEAN TRAINING

Pangungunahan ng tatlong Barangay Ginebra stalwarts and 12-man Gilas Pilipinas team na sasabak sa isang training camp sa labas ng bansa.

Sina Japeth Aguilar, Jamie Malonzo at reigning Most Valuable Player Scottie Thompson kasama ang siyam na iba pa ay lilipad papuntang Europe bilang paghahanda ng Gilas sa 2023 FIBA World Cup.

Parte ng training pool sa Europe sina Chris Newsome, June Mar Fajardo, Kiefer Ravena, Dwight Ramos, Thirdy Ravena, Poy Erram, AJ Edu, Rhenz Abando, at CJ Perez na lalaro ng ilang mga tune-up games.

Araw ng Martes nang matapos ang four-day training camp ng Gilas na ginanap sa Inspire Sports Academy sa Laguna.

Lahat ng 12 players na kasama sa Europe ang mga dumalo sa Laguna training camp habang isa-isang umatras sina Bobby Ray Parks, Calvin Oftana, Roger Pogoy at Jordan Heading dahil sa iba’t ibang injuries.

Hindi din makakasama sina Kai Sotto at Jordan Clarkson sa Europe trip dahil nasa US ang mga ito.

Samantala susunod sina naturalized players Ange Kouame at Justin Browlee sa Europe camp sa laro ng Gilas sa Estonia.Ang FIBA World Cup ay magaganap August 25 hanggang September 10 sa Pilipinas.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x