13TH MONTH AT BONUS, TINARGET NG PAYROLL ROBBERY GANG

December 2007, apat na araw bago ang Pasko, trinabaho ng BITAG ang sindikatong nasa likod ng PAYROLL ROBBERY GANG.

Isang miyembro ng nasabing sindikato ang lumapit sa BITAG upang magbigay ng tip sa kanilang nalalapit na “operasyon.”  

Ayon kay alyas “Tom”, target nilang holdapin ang kumpanya na kanyang pinagtatrabahuhan sa Pasig City.

Pinilit umano siyang makipag-sabwatan ng sindikato para maging “insider” sa loob ng kumpanya.

Siya daw ang ginawang mata at tainga ng grupo para malaman kung kailan wi-widrohin sa bangko ang 2 milyong pisong pang 13th month pay at bonus ng mga empleyado.

Tinamaan umano ng konsensya si “Tom”, kaya agad siyang humingi ng saklolo sa BITAG.

Nakipag-ugnayan ang BITAG National Bureau of Investigation-Anti-Terrorism Division Intelligence Services (NBI ATD-IS) para sa tip na ibinigay ni “Tom.”

“Dahil metikuloso itong kaso na ito, mas maganda ‘yung aktwal na gagawin ng NBI sa plano.  Sila ang hahawak nito bilang mga opisyal, kami (BITAG) magdodokumento lang,” paliwanag ng host ng programa na si Ben Tulfo sa tipster na si “Tom.”

Agad na nagsagawa ng reconnaissance o pagke-casing sa target area ang ilang operatiba ng NBI ATD-IS kasama ang mga BITAG undercover.

Alam ng BITAG na hindi magiging madali ang operasyong ikakasa ng NBI ATD-IS laban sa sindikato ng Payroll Robbery Gang. 

Bukod sa pagiging mailap ng sindikato, prayoridad din ang kaligtasan ng buong grupo sakaling manlaban ang mga miyembro ng sindikato.

“The first thing I would do is to make sure everybody’s safe, if you want to make (video) shot cameraman make sure na safe kayo. Find yourself a cover in the event na magkaroon ng firefight,” paalala ni Ben Tulfo sa BITAG Investigative Team.Panoorin kung paano kumagat at nahulog sa patibong ng NBI at BITAG ang kilabot na payroll robbery gang.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x