Isang pagsabog na sanhi ng cooking gas ang yumanig sa isang mall Huwebes sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Iniulat ni Choy Aboboto, head ng local public safety department na ilang mga tao ang napinsala dahil sa pagsabog dahil umano sa gamit na butane sa pagluto sa isang restaurant.
Naganap ang pagsabog sa isang Korean Restaurant sa loob ng XentroMall. Ilang mga katabing establishments at sasakyan ang napinsala din ng pagsabog.
“The incident, which took place at approximately 10:20 am on June 29, 2023, resulted in injuries to four staff members, one delivery boy, and ten other unidentified individuals,” ang opisyal na pahayag ni Mimaropa regional Director PBGen. Joel B. Doria.Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing kaso.