2 CHINESE, 1 PINAY, ARESTADO SA P6.8-M DROGA

Arestado ang dalawang Chinese national at isang Pinay na hinihinalang mga miyembro ng isang big-time drug syndicate sa Southern Metro Manila, ayon sa Southern Police District (SPD) 

Kinilala ang mga suspek na sina  Yang Tao, 29 taong gulang  at Kun Yang, 26 na naaresto ng anti-narcotics team ng SPD sa isinagawang sting operation sa The Fort Strip, Bonifacio Global City (BGC) noong Lunes, Pebrero 13. Kasama rin sa mga inaresto ang kasamahan nilang Pilipino na si Faith Suniga, 18 taong gulang.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang  isang kilong shabu na nagkakahalaga ng 1.2 milyong piso matapos nila itong ibenta sa isang pulis na nagpanggap na buyer.

Bukod dito, narekober din ng mga operatiba mula sa mga suspek ang 9.5 gramo ng marijuana, 62 magu tablets, two sports utility vans, at marked money.

Ang mga nakumpiskang droga na may tinatayang P6.8 milyong halaga ay dinala sa SPD Forensic Unit para sa isang pagsusuri.

Ayon kay SPD Director Brig. Gen. Kirby John Kraft, si Tao at Yang ay hinihinalang mga miyembro ng Yang Drug Group na nagpapatakbo ng ilegal na droga sa Muntinlupa, Makati, Pasay, Taguig at Pasig City.

Dagdag ni Kraft, mahigit tatlong buwan minanmanan ng kanilang grupo ang mga suspek bago ang kanilang pagkakaaresto.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa Regional Drug Enforcement Unit office at nakatakdang sampahan ng kaso.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x