2 GUMAGAWA NG PEKENG LISENSYA NG BARIL SA RECTO, ARESTADO

Arestado ang dalawang lalaki sa pagbebenta ng pekeng lisensya ng baril kanina sa Recto, Maynila.

Sa isinagawang entrapment operation ng Philippine National Police-Civil Security Group (CSG), kinilala ang mga suspek na sina Vicky Genabe, 38-anyos at Isidro Pagaduan, 37-anyos. 

Ayon kay CSG Director Brig. Gen Benjamin Silo, nakumpirma nila ang pamemeke ng dalawa ng mga License to Own and Possess Firearms (LTOPF) at pekeng lisensya  na ibinibenta sa mga security guard.  

Base sa intel report, P1,500 ang sinisingil ng mga suspek sa bawat pekeng lisensya. Nagagawa nila ito sa loob lamang ng dalawang oras. 

Nakumpiska sa kanilang pinagtatrabahuan ang isang set ng computer at printer, mga pekeng ID at marked money na P500 bill. 

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code o falsification of documents ang mga suspek. 

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x