2-TAON PAG-AARAL NASAYANG, IBINABAYAD NA TUITION NAGING DONATION!

Galit ang naramdaman ng isang ina nang malaman na hindi pala rehistrado ang paaralan na pinasukan ng kanyang dalawang anak. 

Pumapasok sa isang Learning Center sa Quezon City ang kaniyang dalawang anak. Ang panganay ay nag-aral mula Grade 1 hanggang Grade 4, samantalang mula Kinder hanggang Grade 2 naman ang pangalawa niyang anak, kapwa nag-aral sa tinutukoy na paaralan. 

Reklamo ng ng ina ng mga bata sa BITAG, ang  Learning Center ay nasa pangangasiwa ng isang malaking eskwelahan sa Parañaque. 

Nag-umpisa daw ang paghihinala ng kanilang pamilya nang mapansing walang school year ang ID ng dalawa niyang anak. Matapos i-verify sa Department of Education (DepEd), nalaman nilang hindi updated ang records ng mga bata. 

Samantala, inamin daw ng eskwelahan na matagal na silang hindi nagre-renew ng permit to operate. 

Bukod sa sunod-sunod na problema, napag-alaman din ng pamilya na ang binabayad nilang tuition fee kada school year ay napupunta lang sa donation. 

Bukod sa sayang ang pera, ay higit na inaalala ng pamilya ang higit 3-taong pag-aaral na maaring nasayang lang din. 

Abangan sa #ipaBITAGmo ang buong imbestigasyon sa kasong ito. 

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x