Ipinasara ng Department of Trade and Industry ang dalawang vape shops na nagtitinda ng mga produktong may nicotine at walang nicotine malapit sa mga paaralan sa Valenzuela City kahapon.
Tinatayang nasa 205 piraso ng vape products na nagkakahalaga ng P63, 340 ang kinumpiska sa isang tindahan dahil sa paglabag sa Republic Act 11900 o ang Vaporized Nicotine And Non-Nicotine Products Regulation Act. Ayon sa batas ang pagbebenta ng mga vape products na nakabalot, may label, o ibinebenta na may uri ng flavor na napatunayang labis na nakakaakit partikular sa mga menor de edad. Pinangunahan ng DTI – Consumer Protection Group Undersecretary Ruth Castelo ang surprise inspection kasama si Valenzuela Mayor Wes Gatchalian.
Habang isinasagawa ang inspeksyon, hindi bababa sa dalawang vape shop ang ipinasara dahil sa kakulangan ng business permit, at sa paglabag sa distansya mula sa isang paaralan.
Nakasaad sa Section 9 ng nasabing batas na ang pagbebenta, ng nasabing Vaporized Nicotine at Non-Nicotine Products o Novel Tobacco Products sa loob ng 100 metro sa paaralan, at iba pang lugar na puntahan ng mga menor de edad.
Hinihikayat din ng DTI ang mga e-commerce platform na sumunod sa batas na nagre-regulate ng mga produkto ng vape.
“We appeal to online marketplaces to police their sellers and ensure that appropriate age verification mechanisms and point of sale signs are in place, and that all listed products bear the required graphic health warnings prescribed by law,” Castelo said.