Pitong magsasaka ng pakwan mula sa Barangay Napo, Sto. Domingo, Ilocos Sur ang dumulog sa programang Bitag Live at inilahad ang kanilang masamang karanasan sa isang negosyante na pumakyaw ng kanilang inaning pakwan.
Ayon kay Richard Tabon, tagapagsalita ng pitong magsasaka, halos kalahating milyong piso ang natangay sa kanila. Ang malungkot baon sila sa utang.
Lahad ni Mang Richard na isa ring kagawad ng barangay, ang negosyanteng nagpakilalang si Laurente Dela Cruz at hindi na mahagilap, tangay ang kanilang inaning pakwan sakay ng 10- trak.
Dahil malapit sa puso ni Ben Tulfo, ang mga magsasaka, agad nitong tinawagan ang 7 magsasaka na hangang ngayon ay hindi alam kung saan kukuha ng pera para sa gastusin ng kanilang mga anak at ng buong pamilya.
Sa programang BITAG Live sa PTV -4, isinalang ng beteranong journalist ang mga magsasaka at positibo nilang kinilala ang nanloko sa kanila na si Laurente Dela Cruz.
Ang mga magsasaka ng pakwan, sila na nga ang naagrabyado, sila pa ang nagmamakaawa kay Laurente dela Cruz – malamang na hindi rin ito ang tunay na pagkakakilan- na sila ay mabayaran.
Agad naman nakausap ni Ben Tulfo si Mayor Bryan Dexter Tadena ng Sto. Domingo, Ilocos Sur at nangako na tutulong sa pagtugis kay Laurente dela Cruz.
Sa programang #IpaBITAG MO ngayong umaga matapos makapanayam ng Ni Ben Tulfo, host ng programa si Jose Randy Reburon, Municipal Agriculturist ng Sto. Domingo, Ilocos Sur, natiyempuhan ang inirereklamo na si Laurente dela Cruz.
Walang kawala sa BITAG si Laurente. Ang dami pang palusot.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.