MAYROONG tinatawag na “unguarded moment.” Eto ‘yung tipong nadala lang ng emosyon pero wala naming intensyon na makasakit ng ibang tao.
Ako mismo, aminado na may kadalasan pa nga. Kilala akong prangka kaya napagkakamalang maangas at astig na investigative journalist – masasabi ko lang na I already have my fair share of ungrounded moments.
Ang tawag dyan katotohanan… realidad na walang perpekto sa mundo. Umamin kung mali, be accountable palagi sa mga nasasambit na pahayag.
Naniniwala ako na there’s always room for improvement and accountability. Ganito ako, maski mga utol ko ay ganito rin.
Hindi perpekto pero marunong magpatawad kahit na “taken out of context” palagi ng media minsan nga pati na rin ng publiko.
Minsan, biro ko sa mga staff ko sa BITAG, “Pinapatawad ko na kayo sa kasalanan ko!”
Nitong nakaraan, sa palagay ko ay nagkaroon din ng “ungrounded moment” si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo,.
Inulan ng batikos dahil nabanggit niya ang isa sa mga pinaka respetadong propesyon sa mundo- ang pagiging guro. May nasabi ata si Sec. Erwin Tulfo na nagiwan ng masamang panlasa sa bibig ng iba.
Kaya naman inulan ng batikos at bashing kahit na hindi naman intensyon na makasakit ng damdamin ng iba.
Hindi naman insulto ang naging pahayag, realidad lang ang sinasabi sekretaryo. Isang nakakalungkot na huba’t hubad na katotohanan.
May nasaktan na grupo sa naging pahayag niya, kaya tinawag nilang IRESPONSABLE at palpak si Sec. Erwin at ang educational assistance program ng DSWD.
Ibang klase makapagbitiw ng salita di ba? Akala mo kung sinong perpekto.
Pero dahil isang respetado at responsableng government official ang utol ko, agad ng issue ng apology sa ating mga guro.
Kaya ang tanong, sadya bang nangi-insulto o nagsasabi lamang ng katotohanan ang kalihim?
Depende sa taong nakikinig ng pahayag. Kapag apektado ka – maiinsulto ka. Kapag hindi ka sangkot sa sinasabing gawain, aayon kang ang pahayag ay MAY KATOTOHANAN.
Alin kayo dito?
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.