• Home
  • Public Service
  • Investigative
  • Issues and Analysis
  • All Shows
  • News
  • E-STORE
bitag_logo_2
  • Home
  • Public Service
  • Investigative
  • Issues and Analysis
  • All Shows
  • News
  • E-STORE
bitag_logo_2
“INSULTO O KATOTOHANAN?”
August 31, 2022
“DISENTENG SAHOD PARA SA MGA NURSES”
September 6, 2022

“WALANG AREGLO, DERETSO KALABOSO”

September 5, 2022
Categories
  • Bitag Exclusives
Tags
  • Bitag Exclusives

PUMUNTA sa tanggapan ng BITAG ang dalawang suspek sa pambubugbog sa isang menor-de-edad sa Pasig City. 

Sentro ng atensyon ng BITAG ang pagtulong sa pamilya ni Alyas “Ken”, ito’y matapos mabugbog ang 14-anyos na bata dahil napagbintangan nagnakaw ng gasolina. 

Isang linggo mahigit ang menor sa ospital dahil sa brain hemorrhage dulot ng pambubugbog na nangyari. 

Ang dalawang sangkot sa pambubugbog ay mag-tiyo pala, isang naturingan na Homeowners’ Association President na kilala sa pangalang Pres. Jun at ang kanyang pamangkin na si “Doi”. 

Kung di pa nagpa-BITAG ang pamilya ng biktima, hindi pa lulutang at manghihingi ng kapatawaran ang dalawang kumag na ito. 

Literal na kumulo ang dugo ko nang makita ko ang mag-tiyo sa aking tanggapan upang magpaliwanag. 

Ang pamangking si “Doi”, sa laki ng katawan – bata ang nakuhang pagdiskitahan. 

Dahil daw sa kaniyang kalasingan ay na-upper cut niya ang biktima at ilan pang suntok sa ulo’t sikmura. 

Sinong hindi manggagalaiti sa galit, pinagbintangan lamang ang binatilyo na nagnakaw ng gasolina. 

Hindi naman ito nahuli sa akto’t basta dinampot ng HOA President at pinagsasapak naman ng kaniyang pamangkin.

Nilagay ang batas sa kanilang kamay. Walang sapat na ebidensya at binase lang ang galit sa hinala. 

Walang sinuman ang may karapatang mangbugbog sa mga menor-de-edad, ‘yan ang katotohanan na dapat alam ng publiko.

Hindi ko napagilan ang aking galit, namura ko sa ere ang dalawang at muntik ko na ring patayan ng camera. 

Gusto ko man ipatikim ang pambubogbog na ginawa nila kay Alyas Ken, alam kong kailangan nilang managot sa batas at hindi sa kamay ng BITAG. Isang alaala ng pagsampol ang iniwan ko sa dalawa.

Kung anong siga ng dalawa sa video habang binubugbog ang bata, siya namang amo ng mga ‘to nang kaharap na ang BITAG. 

Umiiyak pa ito na humingi ng tawad at nagmamakaawang wag nang ituloy ang asunto.

Hindi naman napigilan ng nanay ng biktima na maging emosyonal nang makaharap ang dalawa, huwag na daw subukin ng dalawa na makipag-areglo dahil walang kapantay na halaga ang dinanas ng kanyang anak.   

Katuwang ng BITAG ang ACT-CIS Partylist sa isyu na ito, sila ang magsisilbing boses ng mga biktima ng pang-aapi sa kongreso, sisilipin at rerebisahin ang mga butas ng batas.

Babantayan ng BITAG at ng ACT-CIS ang kasong ito, sisiguraduhin na mananagot ang dapat managot.  

Sabi ko nga, sa mga tulad nito —- walang are-areglo! Diretso Kalaboso! 

Recent News

PHILHEALTH AND DEPED FORGE PARTNERSHIP TO ENSURE HEALTH COVERAGE FOR ALL LEARNERS
National News
May 15, 2025

PHILHEALTH AND DEPED FORGE PARTNERSHIP TO ENSURE HEALTH COVERAGE FOR ALL LEARNERS

In a significant step towards ensuring the health and well-being of public school students, the

PHILHEALTH COVERS CONFINEMENTS FOR HEAT-RELATED  ILLNESSES AMID RISING TEMPERATURE 
National News
April 29, 2025

PHILHEALTH COVERS CONFINEMENTS FOR HEAT-RELATED  ILLNESSES AMID RISING TEMPERATURE 

With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the

ANG EMERGENCY CARE BENEFIT AY MAAARING MAGAMIT SA LAHAT NG  PHILHEALTH-ACCREDITED NA OSPITAL
National News
April 29, 2025

ANG EMERGENCY CARE BENEFIT AY MAAARING MAGAMIT SA LAHAT NG  PHILHEALTH-ACCREDITED NA OSPITAL

Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng  Outpatient

IN CASE YOU MISSED IT: PHILHEALTH ANIMAL BITE PACKAGE COVERS PHP 5,850 FOR SERVICES AGAINST HIGHLY FATAL RABIES
National News
April 22, 2025

IN CASE YOU MISSED IT: PHILHEALTH ANIMAL BITE PACKAGE COVERS PHP 5,850 FOR SERVICES AGAINST HIGHLY FATAL RABIES

The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases

NEW BENEFIT IN FOCUS: PHILHEALTH OUTPATIENT MENTAL HEALTH PACKAGE TO SUPPORT “INVISIBLE” PAINS OF FILIPINOS
National News
April 15, 2025

NEW BENEFIT IN FOCUS: PHILHEALTH OUTPATIENT MENTAL HEALTH PACKAGE TO SUPPORT “INVISIBLE” PAINS OF FILIPINOS

PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino.  “Nais naming ipaabot

SCENIC LAGUNA TOWN GETS SOCIO-CIVIC CENTER FROM PAGCOR
National News
April 9, 2025

SCENIC LAGUNA TOWN GETS SOCIO-CIVIC CENTER FROM PAGCOR

LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March

Share

Social Links

Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103

bitagmediaunlimited@gmail.com


All Shows

  • Bitag New Generation
  • Crime Desk
  • Pinoy US Cops


News and Current Affairs

  • #ipaBITAGmo
  • BITAG Live
  • BMN News

About Us

In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.

Read More

Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103

bitagmediaunlimited@gmail.com

About Us

In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.

Read More

About Us   |   Careers   |   FAQ’s   |   Shop

Copyright © 2021 BITAG Multimedia Network Inc. | All Rights Reserved


News and Current Affairs


All Shows

About Us   |   Careers   |   FAQ’s   |   Shop

Copyright © 2021 BITAG Multimedia Network Inc. | All Rights Reserved