MAHABANG pila at mabagal na pagproseso ng mga lisensya at motor vehicle registrations ang araw-araw na problema na kinakaharap ng mga motoristang bumibisita sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO).
Kapansin-pansin na madami nang nagagalit at reklamo sa sobrang bagal ng proseso sa mga tanggapan ng LTO.
Kasama na rito ang pagsumite ng mga online registration sa licensing system ng LTO, minsan pa nga daw “offline” ang system ng tanggapan.
Dumagdag sa problema ang naging iringan ni LTO Chief Teofilo Guadiz III at ni Atty. Nikki de Vega, spokesperson ng Dermalog. Dermalog ang kasalukuyang information technology (IT) service provider ng LTO.
Sa isang pahayag ni LTO Chief Guadiz III, sinisisi niya ang Dermalog sa nasabing “slowdown” ng kanilang online registration.
Hindi ito nagustuhan ng Dermalog lalong lalo ng kanilang tagapagsalita na si Atty. De Vega. Dapat daw ay humingi ng apology ang LTO Chief para sa mga “unfair allegations” nito.
Dagdag pa ni Atty. De Vega, maganda ang reputasyon ng Dermalog sa ibang bansa kaya hindi dapat basta isinisisi sa kanila.
Katunayan ay may resulta na daw ang kanilang imbestigasyon na mismong sa loob ng LTO ang pinanggagalingan ng problema.
Ibig bang sabihin nito ay may inside job sa loob ng LTO? Na sinasadyang pabagalin ang sistema para pahirapan ang taumbayan?
With all due respect, alam ko naman na kailangan ipagtanggol to the best of your ability ang kliyente. Subalit hindi reputasyon ang pinag-uusapan dito.
Nangangamote ang LTO dahil hindi nila maideliver ang tamang serbisyo para sa publiko. Madami ng apektadong motorista na galit at mainit na ang ulo.
May kilos-pagong dito, hindi natin masabi kung nasa loob ba ng LTO o yung ibang service provider ang may dulot ng kapalpakan.
Instead of blaming each other, solusyunan na agad.
Kung ako tatanungin sana makipag-ugnayan ng maayos ang LTO at Dermalog sa isa’t isa bago maglabas ng mga pahayag.
Naniniwala ako na mas mabilis maresolba ang isang problema kung ang titingnan ay yung dahilan sa halip na tingnan ang epekto.
Taumbayan ang apektado at sasalo sa problema ninyong dalawa kaya please lang shape up or ship out!
Recent News
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.