INAKALA ng isang pasahero sa Pampanga na katapusan na ng kanyang buhay nang masangkot siya sa isang away habang nakapila sa terminal ng jeep.
Nakausap ko sa aming public service program si Epi Enano, isang housekeeping clerk sa Angeles, Pampanga.
Balak ni Epi magtrabaho sa ibang bansa, kaya nag-iingat daw siya na hindi masangkot sa kahit anong gulo upang mapanatili ang magandang records.
Ngunit nitong nakaraan, nabugbog siya ng isang sigang lolo dahil pinagkamalan siyang sumisingit sa pila ng jeep.
Diretsuhin ko na kayo, si Epi ay isang lesbian, pero tulad nga ng sinabi niya sa amin, babae pa rin siya. Tama nga naman, ang babae ay babae kahit na lalaki ang tinggin sa kanya ng ibang tao.
Ang bugbugan nakunan ng video ng isang concerned citizen. Makikita sa video na nanonood lang at nakiki-Marites lang ang iba, tila walang pakialam kahit na nasasaktan na si Epi.
Ito naming sigang lolo, hindi ko maintindihan kung dati bang UFC fighter, biruin niyo sinakal at nagawa pang mang-headlock ng babae!
Agad humingi si Epi ng tulong sa pinakamalapit na police station, ngunit hindi raw siya maaaring magsampa ng kaso agad dahil kailangan niya muna dumaan ng barangay!
Pumayag ang imbestigador ng kaso na makausap ako sa aming programa pero hindi na ito sumagot dahil may firing activity daw sila!
Anak ng Tokwa naman, tumawag ako sa hotline ng police station, walang kahit isang pulis na maaring makausap, non-uniformed personnel lang ang sumagot.
Paano na lang kung may emergency?! Sino ang reresponde kung walang kapulisan sa police station!
Buti na lang at nakausap ko ang Ex-O ng Barangay, walang sinabi ang mga kapulisan kung sumagot at magimbistiga ang Ex-O na ito! Pasensya na pero ito ang totoo!
Agad daw silang rumesponde nang malaman ang kaguluhan, pinuntahan at hinanap ang sigang lolo. Mukhang pilosopo daw ang rehistro ni lolo.
Aabangan ko kung lulutang si sigang lolo, sana makaharap at makausap ko siya!
May Part 2 pa ito!
Recent News
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) welcomed the new year with a generous donation of
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced the early return of its highly
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated a total of 2,000 ChariTimba or food buckets
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today said its revenues hit a new record
A total of 213 residents in San Mateo, Rizal received free medical and dental services
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and the Armed Forces of the Philippines (AFP)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.