NAGPIPISTA na ang iba dyan, palihim na nakangiti at tila naghihintay lang ng tamang panahon para lumutang.
“We do not need to threaten criminals,” ito ang sagot ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. sa pahayag ni Sen. Bato Dela Rosa na kulang umano sa asim (o angas) ang Philippine National Police.
Umiinit na ang isyu ng pagtaas diumano ng mga kaso ng kidnapping sa Pilipinas. Ang mga sangkot at mismong suspek, umano’y Chinese Nationals.
Mga boss, matagal na ang BITAG sa larangan ng public service at kilala rin kami bilang anti-crime advocate.
Kaya kagaya ng publiko I have to disagree-agreeably sa naging pahayag ni PNP Chief. With all due respect sa ating mga kapulisan, iba ang aking interpretasyon sa naging pahayag ni Chief PNP.
May sariling lenggwahe ang mga kriminal, may sariling mundo at may sarili silang patakaran o code – hindi code of ethics dahil wala sila noon!
Kaya hindi dapat binabalewala o isinasawalang bahala o ini-easy easy lang ang mga salot sa lipunan na kriminal na ito.
Walang mabait na kriminal, iyan ang katotohanan na dapat tandaan ng publiko at ng ating mga kapulisan.
Importante ang papel ng kapulisan sa pagsugpo ng mga krimen, ika nga – “To Serve and Protect”
Paalala lang, Pro-law enforces ang BITAG. Marami na kaming nakasama’t nakatrabahong pulis, maa-angas pero nasa tama at nasa lugar – kumikilos nang naaayon sa batas.
Tama si Sen. Bato, “kulang sa asim” o angas kung ako ang tatanungin. Sa aking pananaw, you need toughness to uphold the law.
Hindi ko sinasabi na barilin at patayin agad ang mga kriminal, may karapatan pa rin sila pero ‘wag naman sana umabot sa punto na mabait o magaan tayo sa mga kriminal.
Chief, with all due respect, I think we should be careful with the narratives; some might misinterpret this as a sign of weakness.
Tandaan, BITAG supports the police! Kapag nagkamali, pinupuna. Kapag naman gumawa ng tama, pinupuri.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.