MAINIT na pinag-uusapan ngayon ang sitwasyon ng POGO o Philippine Offshore Gaming Operations dito sa Pilipinas.
Tanong ng ilan, kung mismong China at Cambodia ipinagbabawal at isinara na ang mga POGO, bakit dito sa atin namamayagpag pa?
Sabi ng mga pabor – malaking tulong nito sa ekonomiya ng bansa ang POGO. Sa katunayan daw ay simula 2016, taun-taon ay kumikita ang Pilipinas ng P500 Bilyon.
Ayon naman sa mga kontra kabilang na ang ilang mambabatas, may kinalaman ang operasyon ng POGO sa sunod-sunod na kidnapping cases sa ating bansa.
Nitong nakaraan nagkaroon ng rescue operations sa Angeles, Pampanga, pinangunahan ito ng dalawang ahensya, ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).
Ipinasara ng mga otoridad ang isang POGO establishment.
Ano nga ba ang rescue operations? Kadalasan ginagawa ito ng mga otoridad katulad ng pulis, pinupuntahan ang mga posibleng biktima na di umano’y hinahawakan ng labag sa kanilang kalooban, sa madaling salita, held against their will.
Kaya may kalituhan lang para sa akin, kung ang mga na-rescue na POGO workers sa Pampanga ay pilit bang pinagtrabaho?
Paano ba nakapasok ang mga dayuhan na ‘yan sa ating bansa, ‘di bat dumaan lahat ng ‘yan sa ating mga paliparan?
Ayon sa balita itu-turnover daw ang mga dayuhan sa Bureau of Immigration upang sumailalim sa “document and permit checking”.
Dito na magkaka-alaman, ilegal ba ang mga ‘to? Or totoong biktima ng human trafficking gaya ng nababalita?
Sa talaan ng Department of Justice, nasa 800,000 illegal aliens ang kasalukuyang nasa ating bansa.
Kaya ako, sang-ayon ako sa suhestiyon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. Upang maresolba, panahon na raw upang magkaroon na ang Pilipinas ng biometric database para sa mga dayuhang pumapasok sa bansa.
Now we’re talking! Para ma-trace agad kung saang lupalop mamamalagi ang mga pasaway at undocumented foreigners na nagkakalat ng lagim sa ating bansa. Kapag gumawa ng krimen, huli agad at deport!
Huwag naman sanang umabot sa sitwasyon na magiging haven ng mga kriminal ang Pilipinas. Dahil hindi alam na may criminal record sa bansang pinanggalingan, sa Pilipinas – malayang nauulit ang kanilang krimen.
Mga boss, walang masama sa negosyo at syempre sa bilyon-bilyon kita. Ang dapat sigurong gawin, mahigpit na regulasyon ng gobyerno sa POGO kabilang na ang mga manggagawang dadalhin dito.
Masakit kasi na katotohanan sa ngayon, hihiramin ko ang sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, “because we are loose, we’re not strict on our rules, so meron tayong reputational risk.”
Recent News
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.