PAGTULONG sa kapwa na may puso, ‘yan ang tatak ng public service meron ang mga TULFO.
Astig, bamurambado at mayabang kung ilarawan kami ng ilan. Subalit mula sa henerasyon ng aming ama, sinundan ng aking Kuya Mon, hanggang sa aming magkakapatid na sina Tol Raffy, Erwin at Ben – nasa puso na ang pagtulong naming sa kapwa.
Kung may mga pendeho’t kolokoy na inirereklamo at bumabastos ng aming pangalan – may kalalagyan ‘yan.
Ang lagay, kayo na ang mga dorobo, kayo pa ang may tigas ng apog na bastusin at paglaruan ang apelidong TULFO.
Not under my watch!
May mag-amang dealer diyan sa Pampanga, nagbebenta ng mga flooded cars, nang mabalitaang lalapit sa BITAG ang mga biktima – nagmalaki’t nanakot pa ng kanilang mga biktima.
Isasampal pa raw kaming mag-u-utol sa mukha ng nagrereklamo. Aba kita mo nga naman ano, ang tapang – nang hindi kami kaharap.
Ang tanong, ganito rin kaya sila katapang kapag kaharap na ako o isa sa mga utol ko?!
Para alamin sana ang katotohanan ng sumbong, sinubukan kong tawagan ang mag-ama. Kaso mo, maka-ilang beses ko sila tinawagan live sa aming programa, hindi naman sumasagot.
Gusto ko sana sila makausap at magkaroon ng pagkakataong maturuan ko sila ng tamang teknik ng paghampas, free one on one training with BITAG himself, off-cam.
Kaya paalala naman sa publiko ng isang eksperto, ‘wag nang bumili ng mga kotseng may problema sa papeles o makina mismo. Hindi na daw dapat binubuo pa ang mga sasakyang nabaha na.
Para sa mag-ama naman na inirereklamo, hindi muna ako maniniwala sa ng mga biktima, hihintayin ko ang pagsagot niyo sa tawag ko, wag niyo lang masyado tagalan at minsan mainipin ako.
Saan ko kaya kayo ililista muna, sa listahan ng kaibigan o mga kaaway ko?
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.