KARAGDAGANG seguridad, maipatupad ng tama ang batas at pagtibayin ang mga karapatan ng mga security guard sa Pilipinas. Ito ang tahimik ngunit seryosong tinatrabaho ng BITAG katuwang ang ACT-CIS Partylist.
Trabaho ng isang sekyu na panatilihin ang kaayusan, katahimikan at kapayapaan sa isang establisyamento na kanilang binabantayan.
Subalit ‘di maikakaila na minsan halos gawin na silang mga “all-around boy” ng ibang employers, taga-bukas ng pinto, taga-bitbit o taga-buhat ng mga gamit o di kaya’y taga-park ng mga sasakyan.
Ang mga security guard din ang pamosong trabaho na madalas biktima ng “unfair labor practice.”
Naniniwala ang BITAG at ACT-CIS na panahon na para bigyan ng dignidad at respeto ang propesyong ito.
Saksi ang mga programa ng BITAG sa sandamakmak na biktima ng panlalamang, pang-aabuso at pang-aapi sa ating mga security guard.
Mga sekyung nabugbog o pinatay habang ginagampanan ang kanilang mga trabaho, hindi pinapasahod ng tama, hindi lisensiyado’t walang kasanayan at walang benepisyo’t insurance.
Ang masaklap, sila mismo ay sinasaktang pisikal ng kanilang mga superiors bilang parusa sa kanilang mga kamalian.
OO, merong batas lalo na pagdating sa unfair labor practice. Subalit marami itong butas at walang kapangil-pangil.
Ang matindi, napakadali lamang para sa mga security agency na lumalabag na takasan ang kanilang mga pananagutan. Magsasara pansamantala at ilang buwan lamang, back to business na naman ang mga hinayupak.
Dito papasok ang ACT-CIS Partylist, “kakampi ng mga inaapi”, dapang-dapa na ang ating mga sekyu. Nabuo ang spesyal na partisipasyon sa pag-balangkas “Magna Carta For Security Guard” na pangungunahan ng ACT-CIS Partylist, katuwang ang BITAG.
Naglalayon ang Magna Carta For Security Guards na seryosong maprotektahan ang karapatan ng mga sekyu. Siyempre kasama dito ang pagtanggap ng mga nararapat na benepisyo, pagkakaroon ng medical at life insurance, pagtanggap ng nararapat na halaga ng sahod.
Nitong nakaraang Setyembre 14, bumisita ang aming grupo sa tanggapan ng ACT-CIS sa kongreso upang umpisahan ang pag-uusap patungkol sa panukalang batas na ito.
Inaasahang mas magiging komprehensibo ang sinusulong na Magna Carta For Security Guards kumpara sa mga nauna ng naaprubahang batas.
Tinatayang hindi bababa sa 500,000 security guards and inaasahang makikinabang sa isinusulong na panukala ito.
Malayo at madaming trabaho pa ang kailangang igugol para sa panukalang ito, ngunit sigurado ang BITAG na ang ACT-CIS ang perpektong grupo para i-representa ang mga sekyu sa kamara.
Officials and staff of BITAG were welcomed by members of the ACT-CIS Partylist at the House of Representatives.
The MAGNA CARTA FOR SECURITY GUARD is currently in the process of being drafted by ACT-CIS Partylist.
A lot of hard work needs to be put in drafting this law but BITAG believes that ACT-CIS Partylist with its tagline “Kakampi ng Inapi” can represent the abused and left-out group of security guards.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.