May kasabihan, “pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang dating.” Si alias “Diego”, isang Philippine Army Reservist ay lakas loob na nagtungo sa #ipaBITAGmo para ireklamo ang kanyang commander ng isang Heneral. Mabigat ang akusasyon ni Diego kay Brig General Carlos, 2nd TAS Commander, Armed Forces of the Philippines na nakakasakop sa Clark Pampanga.
Ayon kay Diego, sa pamamagitan ng ni Gen Buendia, siya, kasama ang iba pang ‘reservist’ ay naging ‘security escort’ ng isang Chinese national na nakilalang si Chao Huo Guo aka Rico Guo/ Rico Co. Ayon kay Diego, ang negosyo ni Chao ay nasa POGO. Apat na buwan nagtrabaho si Diego sa Chinese national subali’t ni ‘singkong-duling hindi siya nakatangap ng sahod.
Nang singilin niya si General Buendia, ang sagot ng kanyang ‘commander’ extortion na ang ginagawa ni Diego. Sa pagiimbestiga ng #ipaBITAGmo, at sa patas na pamamahayag tinawagan ni Ben Tulfo ang inirereklamong Heneral at ‘ maginoo’ namang sumagot ang commander ni Diego. Sa pagpapaliwanag ni General Buendia tila mas pinapaboran pa nito ang dayuhan kaysa sa kanyang sariling mga sundalo. Bagay na ikinairita ni Ben Tulfo ang beteranong Host ng Bitag Live at #ipaBITAGmo.
Buong akala ng Heneral, makakalusot siya sa matatalas na pagtatanong ni Bitag, hangang sa humantong ang pagsasailalim sa ‘polygraph test ‘ ng nagrereklamo at inirereklamong Heneral. Ang kahit ang nagrereklamo na si Diego ay hindi rin makakalusot kung gusto lamang niyang gamitin ang palatuntunan para balikan ang Heneral dahil sa ipinangakong sweldo na hindi pa natatanggap.
Hindi pa tapos ang isyu, tawagan kaya ni General Buendia ang Chinese national para sabihin ibigay mo ang sweldo ng mga tao ko!
Abangan!
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.