PATULOY na nag-iimbestiga ang BITAG sa reklamo ng mga army reservists na lumapit sa amin kamakailan.
Ang mga pobre, ilang buwang hindi nabayaran sa pagse-security sa isang POGO Executive sa Clark, Pampanga.
Anila, may mission order raw sila na pirmado mismo ni BGen. Carlos Buendia, 2nd TAS Commander sa AFP Reserve Command.
Sa katunayan, sinasamahan pa raw sila ni Gen. Buendia nang puntahan ang POGO Executive.
Para maimpress lalo ang dayuhan, naka full uniform pa raw sila nila General dala ang mga high powered guns na pag-aari ng heneral.
Naka-apat na buwan din ang dalawang reservists na nagsecure sa POGO Executive. Subalit isang buwan lamang ang natikman nilang sahod.
Ang masaklap, nang manghingi umano sila ng tulong kay Gen. Buendia, nagalit pa raw ito at sinabihan silang nangongotong.
Sinubukan na rin daw ng mga nagrereklamo na lumapit sa Department of Labor, sa ‘di maunawaang dahilan – dismissed daw ang kanilang kaso. Paniwala ng mga reservists, ginapang daw ang kanilang kaso.
Ang kanilang huling baraha – ang BITAG. Sumagot naman sa aming interview si Gen. Buendia at tulad ng aming inaasahan, itinanggi niya ang mga paratang.
Sa tono ng mga sagot ng opisyal na aming kausap, tila wala na siyang pakialam kung nakasahod o hindi, nagutom o naghirap ang kaniyang mga army reservists.
Matigas ang kaniyang mga dahilan na pinasahod daw ang mga ito. Naninindigan din ang mga nagrereklamo na ayon umano sa among Chinese na pinagsilbihan – naibigay na raw ang bayad kay General.
Nang makaabot sa AFP ang sumbong ng mga reservists, agad daw sinibak si Gen. Bautista. Nilinaw nila na hindi puwedeng mag-issue ng mission order ang AFP RESCOM sa mga army reservists.
Dito pa lamang, may paglabag na ang inirereklamong Heneral. Matinding akusasyon, malaking pambabalewala at pang-aabuso lalo na’t mainit ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng POGO.
Ang siste ngayon, si Gen. Buendia – imbes tulungan ang mga army reservists na makuha ang kanilang mga sahod, aba’y nagsampa pa umano ng kabi-kabilang kaso.
Kaso sa Ombudsman aban sa opisyal ng AFP RESCOM na sumibak sa kaniya at kasong cyber libel naman daw sa mga nagrereklamong reservists.
Kaya’t si Gen. Buendia, haharap daw ng personal sa BITAG. Siya rin daw ay biktima ng dayuhang POGO Executive. Tsk tsk tsk General Problem na ito!
Abangan!
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.