Noong nakaraang linggo, inilantad ng BITAG and hindi otorisadong pagtatalaga ng isang Heneral ng Army Reserve Command sa mga ‘volunteer reservist’ bilang ‘security escort’ ng isang Chinese national na hinihinalang ‘operator’ ng iligal na POGO sa lalawigan ng Pampanga.
Inireklamo ng 2-reservist ang kanilang Commander na si BGen Carlos Buendia, 2nd TAS Commander, AFP.
Ayon sa 2-reservist na nakilalang sina Diego at Alvin sa loob ng 4-buwan na paglilingkod sa Chinese national na si Alias Rico Guo/ Rico Co, may-ari ng kompanyang Xinlong International Corporation, isang beses lang daw silang nakatikim ng sahod.
At ng dumulog sila kay Gen. Buendia, imbis ng tulungan, sila ay nasumbatan pa.
Matapos maisahimpapawid ng #ipaBITAGmo ang kaso ng dalawang Army reservist, lumutang pa ang ilang empleyado ng Chinese national, ang REKLAMO – SWELDO, SAHOD.
Natukalasan ng #ipaBITAGmo, na bukod sa mga Army reservist , may ilan pang empleyado ang POGO company ang hindi rin pinasahod ng Chinese national.
Sumbong ng dalawang babae sa halip na sila ay magtrabaho sa Casino, pinagtitimpla sila ng Tsaa sa mga bisita ng Chinese national.
Ayon sa TEA Girls na sina Andrea at Sophia – hindi nila tunay na pangalan, kabilang sa kanilang napagtimplahan ng Tsaa ai si Gen Buendia.
Kinumpirma rin nina Andrea at Sophia na kilala nila sina Diego at Alvin na kabilang sa mga security ng Chinese national.
Ayon kina Tea Girls, kung naguusap man sila nina Diego at Alvin ang isyu ay SAHOD.
Ayon kay Andrea, sa 6-buwan niyang pagta-trabaho sa Chinese national dalawang beses niyang nakita na bumisita si Gen Buendia sa may ari ng POGO.
Nang matanong kung may iba pang personalidad na nakita silang bumisita sa Chinese national nabanggit nina Andrea at Sophia ang mga pangalan nina dating Presidential Spokesman Harry Roque at Presidential Legal Counsel Sal Panelo.
Sinisikap ng Bitag na kunin ang pahayag nina Roque at Panelo kaugnay sa pagbubunyag nina Andrea at Sohia na naging bisita sila ng Chinese national na si Rico Co/Rico Guo.
Binanggit rin nina TEA Girls, na may bumisita rin na isang mataas na opisyal ng PNP kay Rico Guo na inirereklamo ng kanyang mga empleyado dahil sa sweldo.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.