Kahit na may kakaharaping kaso, masayang tinanggap ng 2 nagrereklamong army reservist s ang kanilang nabimbing sahod, matapos dumulog sa Bitag.
Ang kanilang inirereklamong si Brig General Carlos Buendia ay personal na humarap kay Ben Tulfo sa #ipaBITAGmo para personal na ipaliwanag ang kanyang sarili batay na rin sa sumbong ng dalawang reservist na sina Diego at Alvin, hindi nila tunay na mga pangalan.
Mahabang oras ang ipinagkaloob ng #ipaBITAGmo kay Gen. Buendia para ipaliwanag ang sarili.
Depensa ni Buendia, hindi niya pinabayaan ang dalawa. Kung nakikita man siyang malimit sa tanggapan ng Chinese national na si Rico Co, ay para magpa-follow up ng sweldo ng mga ‘security details’ ni Co kasama na ang kina Alvin at Diego.
Paliwanag pa ni Gen. Buendia, hindi niya personal na kilala si Rico Co. Sa pamamagitan lamang daw ng isang nagngangalang Ferdie na naging pasyente ni Buendia, nakilala niya si Co.
Inamin ni Buendia na kilala niya sina Alvin at Diego . Hinamon niyang ipakita ang kanilang pagmumukha sa publiko.
Hindi napigilan ni Buendia na maghain ng sama ng loob kina Alvin at Diego. Subali’t nanindigan ang BITAG sa isyu ng reklamo – bakit hindi nakuha ng dalawa ang kanilang sahod mula sa Chinese national.
Ayon kay Buendia lumantad siya sa publiko at live na ipinakita ang kanyang pagmumukha sa live streaming ng #IPABITAG Mo para patunayan na malinis ang kanyang konsensiya.
Kasama ang abugadong si Atty Dennis Guingon, legal counsel ni Rico Co ng inirereklamong Chinese national, sinabi ni Gen. Buendia, na humarap sila kay BITAG para ayusin ang isyu tungkol sa pasahod.
Bago pa mang magkabayaran, nagkaroon muna ng sumbatan, bagay na hindi pinalusot ni Bitag. Ayon kay Ben Tulfo, kung inaksiyunan lang ng maaga ang hinaing ng dalawang ‘army reservists, hindi na sila aabot pa sa Bitag.
Kinumpirma rin ni Buendia na sinampahan niya ng kasong perjury at cyberlibel ang dalawang nagrereklamo. Nang tanungin kung handa ba siyang iurong ang kaso laban sa mga pobreng reservist ay sumagot itong “pag-iisipan ng maigi” ang sitwasyon.
Hindi makapagbigay ng direktang sagot si Gen Buendia kay BITAG, pero umaasa ang #IPABITAG Mo, na magbabago pa ang isip ng heneral .
Ayon kay El Tigre, kung ang ‘Diyos ay nakapagpatawad, bakit ang kanyang mga nilalang ay hindi.”
Samantala, nangako naman ang abugado ng Chinese national na aayusin din ang hinaing at reklamo ng mga babaeng tinaguriang ‘Tea Girls’ na hindi pa nakakatanggap ng sahod.
Matapos ang sumbatan, sa bandang huli ay nagkaliwanagan at sana naman ang magkabilang panig ay humantong sa pagpapatawaran.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.