PUMUTOK ang butsi at tila nawalan ng pasensiya si Valenzuela Representative Rex Gatchalian. Hindi ko siya masisisi, kung ako ang nasa kaniyang lugar – dadagukan ko din ang kaniyang kinagakalitan.
Ang sumbong na inilapit ng BITAG sa kaniya kamakailan, kinakaladkad ang kaniyang pangalan. Ginagamit na garantiya para manloko at mapangakuan ang mga biktima.
Matagal na ang ganitong modus kung saan ginagamit ang pangalan ng mga popularidad para sa pansariling interes. Maging ako si Ben Tulfo at ang aming programang BITAG, makailang beses na ring nagamit.
Ito ang modus sa reklamong ito, nangangailangan daw ng mga investors para sa mga empleyado ng Valenzuela City Hall. Magagamit din ang pondo sa iba pang proyekto munisipyo.
Ang catch, mababalik daw ng mabilis ang pera’t kita sa mga magi-invest dahil sa mga koneksiyon ng inirereklamo sa City Hall ng Valenzuela.
Pagbibida ng inirereklamo, Ninong niya si Cong. Rex Gatchalian, malapit siya kay Mayor Wes at sa mga konsehal ng siyudad. Sa katunayan, empleyado umano ang kaniyang ina at mister sa City Hall.
Tulad nang inaasahan, nag magkanda-leche-leche ang pagbabayad sa mga investors, ginamit muli bilang sangkalan si Cong. Rex.
Dahil Ninong daw niya si Cong ay hindi siya pababayaan nito. Tutulungan umano siya ng kongresista na mabayaran lahat ng kaniyang nakuhanan.
Ang nakakatawa, nang tawagan namin si Cong para ipaabot ang reklamong ito – “mahigit 2,000 ang inaanak ko, imposibleng matandaan ko sila lahat,” sagot sa amin ni Cong. Rex.
Kilala na ng BITAG magtrabaho ang kongresista. Katulad naming Tulfo Brothers, hindi ito puro ngakngak, aksiyon agad.
Mayor pa lang noon ang kongresista ay madami na kaming natrabahong reklamo, matagumpay niyang nasolusyunan. Ang sinumang gumawa ng katarantaduhan sa kaniyang nasasakupan, laging nalilintikan at nananagot.
Ano pa nga ba, sa harap mismo ng higit isang dosenang nagrereklamo – binulyawan, minura’t binalaan ni Cong ang inirereklamong inaanak daw niya.
Binigyan niya ng palugit ang kolokay na mabayaran ang lahat ng nagrereklamo. Kung hindi ay siya mismo ang sisigurong masasampahan ito ng kasong kriminal.
Sinibak din ni Cong sa trabaho ang ina at mister ng inirereklamo na kinakasangkapan din sa kaniyang modus.
Ganito ang tunay na serbisyo publiko, para sa kapakanan ng biktima’t publiko. Walang arte-arte, walang kiyeme, walang sulat-sulat muna bago hustisya.
Batu-bato sa langit, tamaan na ang ibang Mayor este pulitiko diyan!
Mapapanood ang buong storya ng sumbong na ito sa BITAG Official YouTube Channel.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.