WALANG karapatan ang sinuman na manakit sa kanilang kapwa! Lalong-lalo na sa mga bata at maging sa mga senior citizen na may edad na.
‘Yung mga malimit manakit dyan, matakot kayo sa batas ng tao lalo na sa batas ng Diyos – idikdik niyo sa inyong mga matitigas na kokote na may batas tayo para sa kanilang kapakanan.
Kung merong child abuse, mayroon ding elderly abuse, malimit itong makalimutan dahil nakatuon lang tayo sa mga pang-aabuso sa mga bata pero ang realidad, madami ring inaabusong mga matatanda.
Nilalapastangan sa kalsada, sa opisina at minsan sa loob pa mismo ng kanilang mga tahanan. Laganap at talamak na pang-aabuso ang kanilang natatanggap.
Lahat ng tao, walang ibang patutunguhan kundi sa pagtanda. Hindi natin pwedeng iwasan ang pagtanda. Kaya dapat maintindihan ng henerasyon ngayon na importanteng respetuhin at galangin ang mga senior citizen.
Sa sitwasyon ng ating bansa, kung ikaw ay isang senior citizen na nakaka-angat sa buhay, mapalad ka dahil you have the means to support yourself.
Paano na lang yung mga senior na hirap sa buhay at nasa laylayan? Wala sa bokabularyo nila ang katandaan dahil kailangan pa ring kumayod at makipagsapalaran.
Ang masaklap, kung sino pa ‘yung nagsusumikap at nagtatrabaho ng marangal, sila pa ‘yung mas inaabuso.
Hindi lang ‘to nakakainit ng ulo, nakakakulo ng dugo ‘yung mga abusado na kung trumato sa mga nakakatanda ay parang aso. Walang respeto!
Ganito ang nangyari sa kay Lolo Reynaldo Carizo, 69 years-old, magbobote at patuloy na sumusuporta sa asawang may cancer at anak na nasa kolehiyo.
Minura’t binatukan si Lolo Reynaldo ng isang nagsisiga-sigaang motorista na lalaki sa kalye. Sa pag-iimbestiga ng BITAG, bodyguard daw ng isang Chinese ang putok sa buho.
Ganitong mga klaseng tao ang sabik na sabik makaharap ng BITAG. Pareho kami ng lengguwahe.
Pinagdadasal ko na ‘wag kong makaharap ang sigang ito, baka hindi ako makapagpigil at ipatikim ko ang totoong ibig sabihin ng pagiging ‘siga’.
Hindi ako magdadalawang-isip na triplehin ang kaniyang ginawa sa matanda. Wala nang mas sisiga pa sa BITAG lalo na’t kung may naabusong matanda!
Tandaan ang ika-5 utos ng Diyos sa Bibliya, “Honor thy Father and thy Mother.”
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.