Malugod na sinalubong ng pamunuan ng Bitag Multimedia Network (BMN) ang mga Bise-Alkalde ng Lalawigan ng Benguet nang bumisita ang mga ito sa studios ng Bitag sa Quezon City.
Personal na sinalubong ni Ben Tulfo, CEO & President ng Bitag Multimedia Network Inc, ang mga lokal na opisyal na bumubuo rin ng League of Municipal Vice Mayor of the Philippines – Benguet.
Ayon kay Roderick Awingan, Vice-Mayor ng La Trinidad, Benguet at Pangulo ng Liga, ang kanilang pagbisita sa Bitag ay bahagi ng tinatawag na “Presiding Officers Continuing Enhancement Program’ para sa mga Vice Mayor na siyang mga presiding officer ng mga Sanggunian.
Ayon kay VM Awingan, na siya ring tagapagsalita ng grupo, nagpapasalamat sila kay Congressman Eric Yap at sa ACT-CIS party list sa pagkakataong makabisita sa Bitag.
Ayon kay Awingan, ang pagtutulugan sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan at ng pribadong sektor tulad ng Bitag na kilala sa ‘serbisyo-publiko’ ay malaking bagay para sa kanilang mga lingkod-bayan.
Samantala kasama ni Awingan na bumisita ay sina Vice Mayors, Arthur Baldo ng Sablan, Benguet; Dione Baucas, Buguias, Benguet; Fausto Labinio , Bakun,Benguet; Julio Joey Culliao, Mankayan, Benguet; Edwin Nitron, Kibungan, Benguet; Mayo Eslay, Kapangan,Benguet; Joselito Galao, Atok, Benguet; Erik Donn Ignacio, Bokod, Benguet at Mike Badival ng Kabayan, Benguet.
Kabilang sa mga binisistang lugar ng grupo ay ang Lungsod ng Marikina kung saan ipinakita sa kanila ang progama ng Marikina sa ‘garbage management at disposal.’
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.