BAGAMAT nabayaran na ang sahod ng dalawang army reservists na nagsecure sa isang POGO Executive sa Clark, nanganak ang reklamong ito.
Dumagsa ang mga reklamo sa aming tanggapan laban sa dayuhang Chinese at kumpanya nito. Mga drivers, janitors at mga tea girls – hindi rin binayaran ng sahod.
Anak ng tsekwa! Aba’y notoryus na ang dayuhang ito sa hindi pagpapasahod ng mga manggagawang Pilipino.
Undesirable alien na ang maituturing dito. Mga dayuhang walang pakundangang gumawa ng iligal sa loob ng ating bansa – dapat sinisipa na pabalik sa bansang pinanggalingan.
Dahil dito, nakipag-ugnayan kami sa Bureau of Immigration (BI). Mismong si BI Spokesperson Dana Sandoval, nagpunta sa aming tanggapan bilang panimula ng kanilang imbestigasyon.
Aniya, nakawatag ng kanilang pansin ang kumpanyang pag-aari ng inirereklamong Chinese sa Clark. Kung ito ay POGO, kinakailangang rehistrado sa PAGCOR.
Sa inisyal na imbestigasyon kasi ng BI, hindi ito rehistrado’t lisensiyado. Lalo umano silang nagkainteres nang marinig ang reklamo ng mga army reservists na nagtrabaho bilang security details ng Chinese.
Oportunidad daw ito para sa ahensiya na makadiskubre at makahuli ng iba pang illegal aliens na posibleng nagtatago sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Sinabi ni Sandoval na sa kasalukuyan, halos 400 illegal aliens ang nakatakdang ipadeport palabas ng bansa. Habang 48,000 dayuhan na ang nakansela ang mga visa na manatili sa bansa.
Seryoso ang BITAG sa pakikipagtulungan sa BI sa kasong ito. Isa-isang kakausapin ng ahensiya ang mga nagrereklamo para sa iba pang detalye.
*************
Matapos mabayaran ang dalawang army reservists ay personal na nagpaalam sa BITAG ang abogadong nagpakilalang legal counsel noon ng Chinese POGO Executive.
Hands off na raw siya simula sa araw na ‘yun. Sa katotohan daw ay September 2021 pa siya hindi pinapasahod ng dayuhan.
‘Torni naman, ‘wag mong gawing bobo ang BITAG. Hindi ka lalantad sa aming tanggapan para irepresenta ang iyong kliyente kamakailan kung 2021 ka pa hindi pinapasahod.
Pwede mo namang ibulong na lang sa akin na, kumuyos na ang iyong betlog nang malamang pumasok na at nag-iimbestiga na ang Bureau of Immigration.
“Bahala na kayo kung anong gusto niyong gawin kay Rico!” Huling salitang binitawan ni Attorney sa amin.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.