Nasa kustodiya na ng Philippine National Police (PNP) ang bumaril kay Percy Lapid.
Sa pulong balitaan sa Kampo Krame ngayong umaga, iniharap sa media ang suspek na si Joel Estorial.
Iprinisinta sa media ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos si Estorial.
Ayon sa suspek, kusa siyang sumuko sa mga awtoridad at walang pumilit sa kanya para mag-surrender.
Sa ngayon, hawak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si Estorial na sumuko kahapon.
Samantala, kasalukuyan pang pinaghahanap ng mga pulis ang kasabwat ni Estorial.
Ipinakita rin ni Abalos ang dalawang magkapatid na kasabwat din ni Estorial na sina Edmon at Israel Dimaculangan na kasalukuyang pinaghahanap ng mga pulis.
Salaysay ni Estorial, may nag-utos lamang sa kanila mula sa New Bilibid Prisons para itumba si Lapid.
Sabi pa ni Estorial, anim sila sa team na naghati-hati sa P550,000 bilang kabayaran sa pagpatay kay Lapid.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.