Balik face-to-face classes na ang mga estudyante at guro sa mga pampublikong paaralan simula ngayong buwan. Ito ay batay sa bagong DepEd Order (DO) 44, series of 2022 na pinirmahan mismo ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte.
“All public schools across the country will be mandated to implement five (5) days of in-person classes starting 02 November 2022” – DepEd Order (DO) 44, series of 2022
Kaugnay ng balitang ito ang reklamo na natanggap ng BITAG nitong nakaraan, isang single-mother na may anak na Grade 1 Student ang lumapit upang isangguni ang kanyang sitwasyon.
Inireklamo siya ng pamunuan ng eskwelahan na pinapasukan ng kanyang anak matapos niyang magtanong niya sa 8888 Citizen’s Hotline ng gobyerno, kung para saan ang ‘penalty’ at ‘contribution’ na sinisingil sa kanya.
Inireklamo ang ina sa barangay sa kasong defamation.
Dahil usapin ito ng legalidad, isinangguni ito ng programa ng BITAG kay Atty. Melanio “Batas” Mauricio, na isa sa mga legal counsel ng programa.
Narito ang kanyang pahayag sa usapin ng pangongolekta ng anumang kabayaran sa eskwelahan.
“Meron na pong mga ipinagbabawal dyan, laban sa pangongolekta ng kahit anong koleksyon, DepEd Order 19 Series of 2008, pagpapaalala at pag-uutos na huwag kokolektahan ang mga batang nasa pampublikong paaralan sa elementarya at high school. Opisyal ang polisiyang ito, mula sa Saligang Batas, mula sa inakda ng ating mga mambabatas at sa mga Implementing Rules na inilabas ng Department of Education”
Nakausap din ng BITAG ang tagapagsalita ng Kagawaran ng Edukasyon na si Atty. Michael Poa, pinapaalala niya rin sa lahat ng pampublikong paaralan na mahigpit na ipinagbabawal ang pangongolekta ng anumang kabayaran.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.