PINAALALAHANAN ng batikang abugado na si Atty. Melencio “Batas” Mauricio ang mga opsiyal ng gobyerno – halal man ito o appointed official – na ‘wag maging ‘balat sibuyas’ sa mga pagsisiyasat ng publiko, media, o kahit mga pangkaraniwang mamamayan.
Ayon kay Mauricio, ang mga opisyal ng gobyerno ay sakop ng mga batas na may kinalaman sa pagiging opisyales o kawani ng gobyerno – pangunahin ang Civil Service Rules and Regulations, Republic Act 6713 Code of Conduct and Ethical Standards and for Government Officials and Employees, at ang Republic Act 3019 Anti-Graft And Corrupt Practices Act.
“Sa Republic Act 6713 binabanggit diyan na tungkulin ninyong magsilbi sa publiko, kapag may nagtanong, sila ay inaatasan at hindi pinapakiusapan, inaatasan ng R.A. 6713 na sumagot at tumugon sa mga katanungan sa inyo,” ani Mauricio.
Giit pa nito, sakaling magtanong o magreklamo ang mamamayan dahil sa hindi paggampan sa tungkulin ng isang opisyal ay hindi ito maituturing na paninirang puri.
“Kung magtatanong o magrereklamo ang isang mamamayang Pilipino na hindi ginagampanan ng isang taong gobyerno ang kanyang tungkulin, hindi niyo pwedeng sabihin siniraan kayo ng puri. Kapag ang tanong ay may kinalaman sa pagganap ng inyong tungkulin hindi pwedeng sabihin na sinisiraan ka ng puri,” giit ng kilalang abogado.
Katunayan aniya, malinaw ang posisyon ng Korte Suprema na lahat ng mga opisyales ng pamahalaan mula sa pinakamababang antas ay hindi dapat ‘balat sibuyas’.
“Sabi ng Korte Suprema sa People vs. Bustos, Government officials should not be onion-skinned, they should be open to criticism and inquiries about their duties sapagkat ang pagtupad sa tungkulin ng isang gobyerno ay isyung pampubliko,” giit ni Mauricio.
“Karapatan ng tao magreklamo, sumagot kayo at mangatwiran, ‘wag pikon,” wika nito. Sa usaping ito, hindi bago sa BITAG na mayroong masagasaang opisyal ng gobyerno. Mula sa mga barangay chairman hanggang sa mga pinaka-mataas na opisyales ng gobyerno, nagkakaroon ng minsanang bangayan at malalimang diskurso dahil sa pagsasaliksik ng BITAG.
Pero paglilinaw ng BITAG, hindi nito layon na ipahiya ang mga nasasangkot na opisyal lalo na sa tiwaling gawain, kundi nais lamang bigyang-linaw ang persepsyon at pag-intindi ng publiko sa mga isyung dapat nilang malaman.
Malimit na isumbong sa BITAG ang mga taong-gobyerno na ginagamit ang impluwensya at posisyon upang makapanlamang ng kapwa.
Madalas marinig ng mga taga-subaybay ng BITAG ang mga katagang “Public Service is a Public Trust”. Ito ang pinaninindigan ng BITAG sa ngalan ng serbisyo publiko sa larangan ng malaya at responsableng pamamahayag.
Si Atty. Melanio “Batas” Mauricio ay isa sa mga katuwag ng BITAG sa pagbibigay ng serbisyong legal sa mga ordinaryong mamamayan.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.