APAT na buwan ang ibinigay na palugit ng lokal na pamahalaan para maibaba ang hatol laban sa isang Kapitan ng barangay na nagpalunok ng pera sa isang 16-anyos na binatilyo sa Bambang, Nueva Vizcaya noong September 29.
Ito ay resulta ng patuloy na pagtutok ng BITAG sa kalunos-lunos na sinapit ng isang binatilyo na itinago sa pangalang “Gian”, 16 y/o.
Sa sumbong ng ama ni Gian na si Junar Corpuz, dumanas ng matinding trauma at pagmamalupit ang kanyang anak sa kamay ni Kap. Rolando Hernandez, kasalukuyang Kapitan ng Brgy. Buslo sa bayan ng Bambang.
Kuwento ni Corpuz, napagbintangan ang kanyang anak ng pagnanakaw na wala namang katibayan.
Ayon dito, sapilitan umanong ipinalunok sa kanyang anak ang ilang piraso ng barya na nakabalot sa isandaang papel na pera.
“Parang siomai po sir kasi yung limang tig-pipiso po binalot niya sa 100 pesos (na papel) tapos ipinalunok ng deretso. Nung nahihirapan nang malunok ng bata, nagpakuha po si Kap ng tubig sa isang Kagawad,” mangiyak-ngiyak na kuwento ng ama sa BITAG.
Dahil sa insidente, nalagay sa panganib ang buhay ng binata at agad itong isinugod sa ospital para matanggal ang nakabarang pera sa kanyang lalamunan.
“Nung tinakbo namin sa ospital, sabi ng doktor kapag hindi na-admit ‘yan mamatay
yung anak ko. Pwedeng ikamatay ng bata ‘yan sabi ng doctor,” wika ni Corpuz.
“Hindi ko na po naisip magtanong, importante po ‘yung buhay ng anak ko. Bale sa
hipag ko na po nagsabi yung bata, tapos yung hipag ko na ang nagkwento sa doctor,”
dagdag nito.
Ilang beses din umanong pinatalon-talon ang bata upang dumiretso sa kanyang sikmura ang nakabarang pera sa lalamunan.
“Sinubukan po ng anak ko na tumalon-talon para bumaba yung barya kasi nahihirapan
po siyang huminga,” ayon kay Corpuz.
Ayon kay Corpuz, mismong mga doktor ng ospital ang nagpayo sa kanya na ipagbigay-alam sa otoridad ang pangyayari.
“Sabi niya (attending doctor), delikado ‘to, magpa-blotter kayo kasi parang pinatay niya na ang anak mo, ‘yan po ang sabi sa akin ng doctor,” paglalahad pa ni Corpuz.
Nanatili ng apat na araw sa ospital ang binatilyo upang matiyak ng mga doctor na walang pinsala sa kanyang lalamunan at bituka.
NOT ONCE, BUT TWICE!
Samantala, maliban sa reklamo ng binatilyo, isa pang complainant ang dumulog sa BITAG upang isiwalat ang pagmamalabis sa kapangyarihan ni Kapitan Hernandez.
Kaya naman ‘not once, but twice’ ang reklamong kinahaharap ni Kap.
Pagbubunyag ng isa pang complainant na si Razel Sobrepeña, nakaranas din siya ng pagmamalupit mula kay Hernandez.
Kuwento ni Sobrepeña, pinalunok naman siya ni Kap ng sariwang karne ng manok.
Dahil dito, hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang BITAG para aksiyunan ang doble-dobleng pagmamalupit diumano ng kapitan.
Unang tinawagan ni Ben Tulfo ang Barangay Affairs ng Department of the Interior and Local Government (DILG) upang isangguni ang tila kakaibang estilo ng pamamahala ni Kap.
Sa panayam ng BITAG kay Undersecretary Felicito Valmocina ng DILG-Barangay Affairs, iginiit ng opisyal ng kasuklam-suklam ang pagmamalabis sa kapangyarihan ng mga halal na opisyal.
“Hindi po natin tino-tolerate yung nga pag-abuso lalong-lalo na yung mga elected official. Tayo po ay taga-ayos ng problema at hindi tagapagpalaki ng problema. Ang isa pong pagkakamali ay hindi maitutuwid ng isa pang pagkakamali,” giit ni Valmocina.
Dagdag nito, gagawin niya ang lahat upang mapanagot si Kapitan Hernandez.
“Kaya tayo ay may batas para sundin natin yung proseso. Makakaasa kayo lalo na yung ganitong kaso lalo na umamin s’ya, eh, talagang mabigat po ‘yan. Kasong criminal, administrative ay talagang mananagot siya. Makakaasa po kayo na gagawin ko lahat ng magagawa ko para mabigyan ng katarungan at hustisya yung bata,” pagtitiyak ng DILG official.
Sa panig naman ng lokal na pamahalaan ng Bambang, Nueva Vizcaya, tiniyak ni Mayor Benjamin ‘Jaime’ Cuaresma III na mananagot sa batas ang inirereklamong kapitan.
Ayon kay Cuaresma, 120-araw o apat na buwan ang ibinigay niyang palugit sa Sangguniang Bayan para mailabas ang hatol laban kay Hernandez.
“Nung narinig ko (yung kwento), nalungkot ako at siyempre nagalit na rin kasi minor, immediately ipinatawag ko ang vice mayor at yung head ng legal at chairman ng Sangguniang Bayan for immediate action on the administrative case,” wika ni Cuaresma.
Samantala, nagbigay ng pagtitiyak si Ben Tulfo na hindi lulubayan ng BITAG ang reklamo laban sa kapitan hangga’t hindi ito nabibigyan ng linaw at hindi nabibigyan ng karampatang hustisya ang mga complainant.
Binalaan din ni Tulfo ang lahat ng opisyal – elected man ito o kahit mga appointed officials – na hindi lulubayan ng BITAG ang mga maling gawain lalo na kung napagsasamantalahan ang mga pobreng mamamayan.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.