Na-enganyo sa isa, pumangalawa, hanggang sa maging labingdalawa ang napasok na utang ng isang 60-years old na lola mula sa Bacoor, Cavite dahil sa pangungutang sa online lending apps (OLA).
Ang lolang si Lourdes Importante, umabot sa mahigit P70,000 ang kasalukuyang utang sa OLA matapos magpatong-patong ang kanyang online utang.
Ayon kay Lola Lourdes, nasilaw siya sa alok na online pautang ng mga OLA lalo’t madalas itong nakikita sa Facebook.
Noong una aniya, maayos naman ang pagbabayad ng inutang sa OLA, subalit makalipas ang ilang linggo nagsimula na ang kanyang kalbaryo dahil nagkapatong-patong na ang kanyang online utang.
Mula sa halagang P3,000 hanggang P6,000, estilo ng mga OLA na silawin sa mabilisang loan approval ang kanilang mga parokyano.
Katulad ng kwento ni Lola Lourdes, nagsimula ang kanyang utang sa P3,200 mula sa isang OLA.
Sa kagustuhang matapalan ang unang inutangan, nag-apply ito ng mas malaking halaga sa isa pang online lending, hanggang sa maging labingdalawa ang kanyang nautangan.
Ilan sa nautangan ni lola Lourdes ang PautangPeso; ValleyLoan; PondoCash; Opeso; FinnUpLending;
ZipPeso; LoanAlly; WowPera; PesoOnline; FastCoin; CashBoxPRO; at FastCASH.
Dahil patong-patong na ang bayarin, pinuputakte na umano ito ng tawag at pamamahiya ng mga OLA collectors.
Sumbong ni lola Lourdes sa BITAG, halos hindi na ito makakain at hindi na makatulog ng maayos dahil sa maya’t mayang pambubulabog sa kanya ng mga credit collectors sa pamamagitan ng tawag at text.
Pati aniya mga kakilala at mga kaibigan sa Facebook at laman ng kanyang phone contacts ay tinatawagan din ng mga kolektor para ipahiya ito sa hindi pagbabayad ng utang.
“Magbabayad naman po ako, pero pakiusap ko lang na uunti-untiin ko. Pero sa ginagawa nila sobrang kahihiyan hindi na rin ako makahingi ng tulong sa mga kaibigan ko,” pahayag ng lola sa BITAG.
Sinubukang tawagan ni Ben Tulfo na programang #IpaBITAGMo ang mga ‘diuymano’y nanghaharas na OLA collectors kay lola Lourdes, subalit wala sa kanila ang nagbigay ng kongkretong kasagutan.
Patuloy ang pag-aksyon ng BITAG sa sumbong ng lola.
Pero payo ng BITAG, ‘wag padadala sa mga online pautang.
‘Wag din umano mangungutang kung walang kakayahang magbayad.
BALIKAN ANG SUMBONG:
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.