BAWAL ang anumang uri ng koleksiyon. Ito ang mahigpit na bilin ng Department of Education (DEPED) sa mga pampublikong paaralan.
Kaya naman ang isang ina ng Grade 1 student mula Zamboanga Del Sur, nagulat at nagtaka. Pinagmumulta umano daw siya ng Principal ng eskwelahan ng higit P500 dahil absent siya sa PTA meeting.
Depensa ng ginang, hindi siya naka-attend ng PTA Meeting ng anak dahil kasalukuyan siyang nasa Maynila at naga-asikaso ng mga dokumento bilang isang OFW.
Gusto lang malinawan ng ginang kaya’t tumawag siya sa 888. Nagtanong kung tama ba ang multang kaniyang babayaran.
Bagamat nakakuha ng malinaw na kasagutan ang ginang na BAWAL ang ganitong uri ng koleksiyon, ikinagalit ito ni principal. Ipina-Barangay siya’t binantaang kakasuhan.
Dito na siya humingi ng saklolo sa BITAG. Lito, kung mali ba ang kaniyang ginawang “pagtatanong.”
Nakausap ko mismo si DEPED Spokesperson Atty. Michael Poa. Mali ang paniningil ng multa at bawal mangolekta ng anumang bayarin sa mga estudyante mula Grade 1 hanggang Grade 4.
Kaparehong sagot ang nakuha ng BITAG mula sa DEPED Region IX. Dagdag pa ng abogadong nainterview ko sa Pambansang Sumbungan mula sa DEPED Region IX – nagbalat-sibuyas daw si principal kaya binalikan ang inang nagtatanong lamang.
May mga magulang na tinuligsa ang BITAG sa sumbong na ito. Alangan naman daw mga teachers ang sumagot ng pangangailangan ng mga mag-aaral sa eskwelahan?
Dapat lang daw mag-ambag ang magulang para maayos ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Responsibilidad din daw ng isang magulang na umattend ng PTA meeting para nalalaman ang performance ng kanilang mga anak sa paaralan.
Tama naman ito lahat. Subalit tandaan, magkaiba ang donasyon sa multa.
Ang donasyon, kusang-loob at walang pilitan. Ang multa, pagpapataw ng parusa – inoobliga ka.
Paalala sa mga magulang, walang masama na tumulong sa paaralan sa abot ng ating makakaya. Subalit hindi niyo pwedeng pilitin ang ibang magulang na mag-ambag ng kaparehang halaga.
Magkakaiba ang sitwasyon natin sa buhay, magkakaiba ang laman ng ating bulsa.
At ayon sa batas, na kinumpirma mismo ng DEPED – BAWAL!
At sa iyo naman Principal ng pampublikong paaralan na inireklamo sa BITAG, ‘wag mong duruhin ang magulang na nagtanong lamang.
Sabi rin ng Korte Suprema, bawal ang magbalat-sibuyas sa sinumang kawani ng gobyerno. Kaya kung sinoman ang bumulong at nag-coach sa’yo para sabihin sa aking pumunta ng Zamboanga at mag-imbestiga – pagbuhulin ko pa kayo!
Mapapanood ang kabuuuan ng sumbong sa BITAG Official YouTube Channel.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.