ISANG miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender (LGBT) ang nagpasaklolo sa #ipaBITAGmo upang ireklamo ang lupon ng barangay sa Quezon City dahil sa pamamahiya at pang-aalipusta sa mga transgender.
Kuwento ng complainant/victim na si Emmanuel Dela Cruz, a.k.a. “Georgina”, 22, isang transgender woman, sa halip aniya na solusyunan ng barangay ang kanyang inirereklamong pambubugbog, ay sumentro aniya ang imbestigasyon sa pang-uusisa at pang-aalipusta sa kanyang kasarian.
Hindi rin umano nagustuhan ng complainant ang pahayag ng lupon na ang LGBT ay isang abnormalidad.
“Na-discriminate po ako sa sinabi na ang LGBT po is abnormality. Naramdaman ko po na naging dehado at naging bias po ang barangay,” wika ni Giorgina.
Si Giorgina ay dumulog sa Barangay Novaliches Proper, QC, upang ireklamo ang pambubugbog sa kanya ng kanilang kapitbahay.
Pero sa halip umano na sumentro ang imbestigasyon sa kanyang reklamo, sinalubong daw siya ng pamamahiya ng lupon na si Norma Rabang, bagama’t itinatanggi ito ng barangay official.
Ani Giorgina, sinabi ng lupon na kaya lamang siya nagrereklamo ay dahil magulo ang kanyang utak dahil sa mga iniinom na gamot.
“Ikinumpara pa niya (lupon) po ako sa mga special child, dahil and LGBT raw po is abnormality,” ani Giorgina.
Dahil dito, hindi na nag-patumpik-tumpik ang #ipaBITAGmo at agad inaksiyunan ang sumbong ng transgender at nakatikim ng pangaral at sermon ang inirereklamong lupon.
Iginiit ni Ben Tulfo sa kanyang flagship program na #ipaBITAGmo, malinaw aniya ang itinatadhana ng batas para protektahan ang mga LGBT sa lahat ng uri o batayan ng diskriminasyon o panlalait.
Aniya, protektado ang mga karapatan ng LGBT lalo na sa Quezon City sa pamamagitan ng City Ordinance 2357, series of 2014 (Gender Fair Ordinance) o An ordinance Providing for a Comprehensive Anti-Discrimination Policy on the Basis of Sexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE).
Ang ordinansang ito aniya ang nagsisilbing kalasag ng mga LGBT laban sa panlalait, pamamahiya, diskriminasyon at hindi patas na pagtrato ng lipunan sa mga transgender, lesbian (tomboy), gay (bakla), at mga bisexual.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.