Lumapit sa Pambansang Sumbungan ang dating logistic officer ni ex-Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao upang magpasaklolo sa prime investigative program ng BITAG Multimedia Network (BMN).
Nagpasaklolo sa #ipaBITAGmo ang isang complainant na mula sa San Juan City.
Pero ang complainant tila ginamit lang ang paglapit sa #ipaBITAGmo para maka-kolekta ng sinisingil na pera sa kampo ni Pacquiao.
Nais kasi ng babaeng complainant na mabawi ang mahigit P232,000 na inabono umano niya sa presidential campaign ng Team Pacquiao noong nakaraang halalan.
Nagserbisyo umano ito sa MP Presidential Campaign Team ni Pacquiao mula September 2021 hanggang May 2022.
Nag-pakilala rin itong logistic officer at all-around campaign staff ng campaign team ni Pacquiao.
Mula sa paghahanda sa mga presidential sorties, campaign rallies, logistics, mobilization, at campaign engagements, inasikaso rin umano ng staff ang pag-alalay sa mga media at pagkuha ng hotels ng Team Pacquiao.
Ayon pa rito, nag-aabono rin umano ang kanyang grupo sa tuwing mayroong campaign engagements ni Pacquiao.
“Kami po na mga staff ang nag-aabono sa mga gastos noong campaign, pero nire-reimburse naman po namin,” pahayag ng complainant sa BMN reportage.
Naging pahirapan na lamang aniya ang paniningil nila ng reimbursement noong huling yugto ng kampanya.
Tila pinagtataguan na rin umano sila ng finance officer ng Team Pacquiao na si Choi Garcia Ascue.
Si Ascue umano ang ka-transaksyon ng complainant noong kasagsagan ng kampanya sa bawat pangangailangan sa budget.
Malinaw naman sa pahayag ng nagrereklamong staff na hindi alam ng dating senador ang ginagawang pagbabalewala sa kanila ni Ascue.
Dahil dito, nakiusap si Martin sa #ipaBITAGmo sa pamamagitan ng program host na si Ben Tulfo na ipagbigay-alam sa People’s Champ ang ganitong gawain ng mga malalapit nitong kaibigan at staff.
Si Ascue umano ang tumatayong finance officer ni People’s Champ Manny Pacquiao.
Pero ang pagsusumbong ni Martin naiba ang tono dahil nakipagkasundo na ito sa kampo ng kanyang inirereklamo.
Ang magiging aksyon ng Pambansang Sumbungan sa tila panggagagamit ng complainant kay BITAG host Ben Tulfo, abangan sa #ipaBITAGmo.
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.