Nagbabala ang fearless investigative journalist na si Ben Tulfo, ang program host ng Pambansang Sumbungan #ipaBITAGmo, sa mga gustong gumamit at mandorobo sa BITAG Multimedia Network (BMN).
Nakatikim ng matinding sermon mula sa program host ng #ipaBITAGmo ang dating logistic staff ni dating Senador Emmanuel “Manny” Paqcuiao na nanggamit sa prime investigative program ng BMN.
Ang siste, pagkatapos gamitin ng staff na ito ang #ipaBITAGmo para mabilis na makasingil ng reimbursement kay Pacquiao, gusto ulit nitong magpasaklolo sa programa.
Hinaing ng staff, hindi natupad ang pangako sa kanya na babayaran siya ng P232,000 na inabono sa kampanya ni Pacquiao noong nakaraang halalan.
Matatandaang lumapit sa investigative team ng #ipaBITAGmo ang babaeng nagpakilalang dating logistic staff ng Manny Pacquiao (MP) Presidential Campaign Team dahil tinatabla umano ang paniningil niya ng P232,000 mula sa finance officer ni Pacquiao na si Choi Garcia Ascue.
Matapos makipag-usap sa #ipaBITAGmo, nakipag-ugnayan ang naturang staff sa kampo ni Ascue at sinabing lumapit siya sa programa para ireklamo ang hindi pagbabayad ng utang ng kampo ni Pacquiao.
Agad umanong nag-deposit ng pera ang mga tauhan ni Pacquiao, pero sa halip na buo ang ibinigay na bayad, halos kalahati lamang ang nakuha nito.
Gusto ulit lumapit ng nagrereklamong staff sa #ipaBITAGmo, pero tinabla na ito ng programa.
Nakatikim din ito ng matinding sermon kay Tulfo dahil sa panggagamit nito sa investigative program ng BMN.
Babala ng batikang investigative journalist na si Ben Tulfo, hindi kukunsintihin ng Pambansang Sumbungan #ipaBITAGmo ang mga complainant na gustong lamangan at gamitin ang seryosong krusada ng programa na tumulong sa mga mahihina at naaabusong mamamayan.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.