“Flight is an indication of guilt, kapag ikaw ay tumatakas sa paglilitis… may puntos ka agad. Ang prinsipyo ng Korte Suprema, ang pagtakas o ang hindi pagsipot ay isang indikasyon na may kasalanan ang isang akusado na ayaw humarap sa kaso at ‘yan ay gagamitin ng hukom.”
Ito ang mas madaling paliwanag ng veteran lawyer na si Atty. Melanio “Batas” Mauricio kung bakit hindi kailangang balewalain ang bisa ng ‘bench warrant’.
Paliwanag ni Atty. Batas, ang bench warrant ay kapangyarihan ng isang hukom para disiplinahin o hatulan ang mga akusadong hindi marunong rumespeto sa proseso ng hukuman.
“‘Wag niyong babalewalain ‘yan (bench warrant) kasi warrant pa rin ‘yan, kautusan pa rin para kayo ay maaresto at hangga’t hindi kayo humaharap sa hukuman laging may banta sa inyo na pwede kayong hulihin at ikulong!” giit ni Atty. Batas.
KAILAN NAGLALABAS NG ‘BENCH WARRANT’ ANG ISANG HUKUMAN?
Narito ang paliwanag ni Atty. Batas:
“May dalawang klase ng warrant. Ang unang klase ng warrant ay yung warrant of arrest o arrest warrant, ang pangalawa ay bench warrant.”
“‘Yung warrant of arrest, isang kautusan upang arestuhin ang isang tao kapag nakasampa ang kaso sa hukuman.”
“Pangalawa, ang bench warrant. Ang ating mga hukuman ay tinatawag na ‘bench’ kaya ang hukuman ang may kapangyarihan nito.”
Ayon pa kay Atty. Batas, kadalasang naglalabas ng bench warrant ang hukuman kung hindi sumipot ang akusado o isang partido sa kaso.
Aplikable rin umano ito hindi lamang sa mga akusado, kundi maging sa mga testigo o sinumang pinapatawag ng hukuman sa isang pagdinig.
Paliwanag pa ng abogado, ang korte o hukuman ay may kapangyarihan ding magpataw ng piyansa kalakip ng isang bench warrant.
“Kapag nagpiyansa ka, mawawala yung warrant ulit at magpapatuloy na ang kaso pero kapag yung akusado o yung taong pinatawag na paulit-ulit na hindi sumisipot… Magiging basehan ito ng hukom na may kasalanan ang isang akusado,” babala ni Atty. Batas.
“Tinawag pang kagalang-galang tapos hindi gagalangin ng iyong presensya?”
Pakiusap ng batikang abogado sa publiko, na ‘wag na ‘wag iisnabin o babalewalain ang kagalang-galang na hukuman dahil sila ang nagpapasya ng hatol sa mga akusado.
Si Atty. Melanio “Batas” Mauricio ay resident lawyer/legal counsel ng BITAG Multimedia Network (BMN).
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.