Nagpasaklolo sa investigative team ng BITAG Multimedia Network (BMN) ang 140 mangingisdang Pinoy na anim na buwan nang nakatambay at walang sweldo habang nakadaong sa isang pantalan sa bansang Papua New Guinea.
Kuwento ng isa sa mga mangingisda na si Rodrigo Oyra Jr., gutom at matinding hirap ang nararanasan nila sa ngayon dahil hindi na pumapalaot ang barkong sinasampahan nila.
Dahil stop work ang kanilang barko, hindi na rin umano sila pinasu-sweldo.
Mahigit isang taon na rin umanong expired ang kanilang kontrata sa kumpanyang RD Fishing Company Inc. (RDFCI) dahil isang taon lamang ang pinirmahan nilang kontrata.
Karamihan sa mga mangigisda ay ni-recruit umano ng RDFCI sa General Santos City.
Hindi pina-uuwi ang mga mangingisda dahil walang krudo ang bangkang sasakyan nila pabalik ng Gensan.
Habang nakadaong sa pantalan, limitado lamang umano ang kanilang pagkain at sa mga fishing vessel lamang sila natutulog.
“Nagugutom na po ang aming pamilya sa Pilipinas kasi one month na po kaming walang sahod dito sa kumpanyang RD Fishing,” kwento ng isang mangingisda sa panayam ng #ipaBITAGmo.
Agad itong inaksyunan ng BMN sa pamamagitan ng #ipaBITAGmo program host na si Ben Tulfo.
Tinawagan ng programa ang Business Unit Herad ng RDFCI na si Bayani Fredeluces upang iparating ang kondisyon ng 140 mangingisdang Pinoy.
“Ini-iskedyul na po namin silang makauwi, looking at next week na po. We are just looking ‘yung kailangan kasi natin ay ‘yung fuel at ‘yung provision nila for navigation. We are trying our best po na mapauwi na sila by next week, ‘yun po ang target ng company,” pagtitiyak ni Fredeluces sa interview ng #ipaBITAGmo.
Samantala, nangako si Antonio Nebrida, tagapagsalita ng Department of Migrant Workers (DMW) na iimbestigahan ang RDFCI dahil wala umanong license to operate ang kumpanya para mag-recruit ng mga Filipino seafarers.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.