Ganito ang sinapit ng mag-asawang nanalo ng brand new Toyota Vios mula sa isang networking company na nag-ooperate sa probinsya ng Batangas.
Sumbong ng mag-asawang Mary Ann at Loreto Retiro sa Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo, tinangay ‘diumano ng chief executive officer (CEO) ng kumpanyang Dreams Pure Opportunities (DPO) ang napanalunan nilang kotse.
Kinilala ng mag-asawa ang inirereklamong CEO na si Jeffrey Pabuaya Jr.
Ayon sa mag-asawang Retiro, ang Toyota Vios 2021 model (Alumina Jade Metallic) na may plakang DAV 1211 ay napanalunan nila dahil sa pagiging “top seller” sa kumpanya ni Pabuaya.
Dahil naka-benta ang mag-asawang Retiro ng daang-libong halaga ng mga food supplements, isang brand new na kotse ang kanilang insentibo.
Pero dahil parehong hindi marunong mag-maneho ang mag-asawa, nagprisinta umano si Pabuaya na siya na lamang ang mag-dedeliver sa kotse.
Laking gulat ng mag-asawa nang hindi na umano makarating ang sasakyan sa kanila.
Doble pasakit pa ang inabot ng mag-asawa dahil sila ang hinahabol ngayon ng card dealer para sa monthly amortization o ang buwanang bayad sa sasakyan.
Balikan ang pag-aksyon ng BITAG Multimedia Network (BMN) sa pamamagitan ng nag-iisang investigative program: Pambansang Sumbungan — #ipaBITAGmo!
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.