Sampung katao ang iniulat na nasugatan matapos sumabog ang isang pagawaan ng paputok sa Sitio Manggahan, Brgy. Pulong, Santa Maria, Bulacan, kahapon.
Sa inisyal na ulat ni Acting Bulacan Police Director P/Col. Relly Arnedo, naganap ang pagsabog, ala-1:00 ng hapon kahapon, November 3, 2022 sa GLK Fireworks.
Nagtamo ng severe at minor injuries ang mga empleyado ng nasabing pagawaan kasama din ang may-ari ng bahay. Isinugod sila sa Rogaciano Mercado Memorial District Hospital. Samantalang ang mga nagtamo ng minor injury ay dinala sa Pulong Buhangin Clinic.
Sa lakas ng nasabing pagsabog, bahagyang naantala ang klase ng mga mag-aaral sa kalapit na eskwelahan.
Gayunpaman, Ligtas at maayos naman nakalabas ang lahat ng mga mag-aaral at guro nito.
Sinabi ni Bureau of Fire Protection-Region 3 Public Information Officer Fire Captain Arvin Catipon, hinihinalang nagsimula ang sunog sa nagbabarena sa lugar na nagdulot ng spark sa ginagawang “five star” na naging dahilan ng pagsabog.
Tumagal ang sunog ng hanggang isang oras.
Inaalam na din ng mga otoridad ang halaga ng mga ari-arian na natupok ng nasabing pagsabog.
Kasamang aalamin din sa isasagawang imbestigasyon ay kung may ang business permit ng pagawaan.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.