Isa sa nagsilbing eye-opener sa maraming Filipino ang kasong tinutukan noon ng BITAG Multimedia Network (BMN) sa pamamagitan ng BITAG New Generation.
Ito ay ang kuwento ng mag-nobyo mula sa Caloocan City na inakalang burado na ang matagal nang kaso ng rape – na kalauna’y binuhay ng korte at pina-aresto ang lalaki.
Ang kuwento ni Jojie Dela Cruz, 19 at girlfriend na si Charmaine Baliguat, 16 years old ay maaaring kapulutan ng maraming aral.
Sa kabila ng pagtutol ng magulang ng babae, talagang mahal ni lalaki ang kanyang girlfriend. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng dalawang supling.
Natanggap na ng magulang ni Charmaine ang lalaki dahil sa pagsisikap nitong buhayin ang kanilang pamilya.
Pero pagkalipas ng limang taon, lumabas ang warrant of arrest noong 2014 na pirmado ni Presiding judge Glenda Cabello-Marin ng Caloocan City Family Court Branch 124 para ipakulong si Jojie sa Caloocan City Jail.
Naungkat ang pagkontra ng mga magulang ni Charmaine noong 2007 sa relasyon nila ni Jojie.
Bagama’t napatawad na ng magulang ng babae si Jojie, ang problema, ‘di marunong magpatawad ang batas.
Hindi nakalimot ang batas sa kasong rape na isinampa ng magulang ni Charmaine noong 2007.
“Hindi na namin naasikaso (ang kaso), napabayaan na namin hanggang sa lumipas ang limang taon, may dumating na sulat sa amin na ang kaso niya (Jojie) naaprubahan na,” saad ng magulang ni Charmaine na si ginang Josephine Baliguat.
Paliwanag ng Public Attorney’s Office (PAO) ng Department of Justice (DOJ), ang rape ay isang mabigat na kaso na may katumbas na parusang Reclusion Perpetua o 20 hanggang 4o years na pagkakakulong.
“Hindi kasi pupwedeng basta-basta bawiin mo na lang yung demandang rape. Hindi pwedeng basta na lang sabihin sa korte na binabawi mo na yung salaysay mo. Dadaan pa rin talaga yan sa proseso ng korte,” paliwanag ni PAO.
Ang mga kasong kahalintulad nito ay tinatalakay ng Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo, upang paalalahanan ang publiko na ‘wag balewalain ang mga nakasampang reklamo sa hukuman.
May naganap bang rape o panggagahasa?
Matatawag bang sapilitan ang namagitan sa magkasintahang Jojie at Charmaine?
Anong proseso ba ang dapat gawin ng mga nasasakdal para mapawalang bisa ang asunto?
Lahat ng ‘yan sasagutin ng resident lawyer ng BITAG Multimedia Network (BMN) na si Atty. Melanio “BATAS” Mauricio. Abangan!
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.