Kulong ang mag-asawang ex-mayor ng Amulung, Cagayan dahil sa korapsyon at pagwawaldas sa pondo ng bayan naaabot sa P18.7 milyon.
Base sa 134-pahinang desisyon na inilabas ng Sandiganbayan 6th Division, nitong November 3, 2022, napatunayang guilty sina Nicanor at Pacita de Leon na magkasunod na nanungkulang alkalde ng bayan ng Amulung, Cagayan mula 1996 hanggang 2010.
Si Nicanor ay hinatulan ng 27 taong pagkakakulong habang 20 taon naman sa misis nito kaugnay ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Malversation of Public Funds.
Samantala, ang dating municipal treasurer na si Luzviminda Macasio na kasalukuyang wanted ay pinatawan naman ng 53 taong pagkakakulong.
Ang tatlong dating opisyal ay pinagmumulta rin ng kahalintulad sa perang kanilang nilustay at i-refund ang nasabing halaga sa kaban ng bayan.
Nabatid pa na sa special audit at imbestigasyon ng COA ay natukoy na 39 notices ng disallowance laban sa mag-asawa ang umano’y nakadispalko ng kabuuang P18,718,161.65
Inihayag pa ng anti-graft court na nabigo ang mag-asawa na magprisinta ng ebidensya upang mapawalang sala sa mga kasong nabanggit.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.