Apatnapu’t pitong guro mula sa Quezon City ang iniulat na nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang service bus ng Department of Education (DepEd) sa bulubundukin bahagi ng Orani sa Bataan nitong Sabado ng umaga.
Sa inisyal na ulat ng Police Regional Office (PRO) 3, nangyari ang sakuna bandang alas-11:40 ng tanghali sa kahabaan ng Vicinal Road, Brgy. Tala ng nasabing bayan ng mag-malfunction ang break ng sasakyan.
Ayon sa imbestigasyon, minamaneho ni Mardelino Oliva, 62-anyos ang nasabing bus nang mawalan siya ng kontrol sa manibela hanggang sa tuluy-tuloy silang bumulusok sa bangin.
Ayon sa pulisya, sakay ng bus ang mga guro mula sa isang eskwelahan sa Quezon City at galing sila ng Orani upang dumalo sa Capacity Building Activity ng public school Gender and Development (GAD) coordinators na inorganisa at pahintulot ng DepEd-Schools Division Office ng Quezon City.
Agad namang nagsagawa ng rescue operation ng Orani Rescue Unit, Metro Bataan Development Authority o MBDA at pulisya para saklolohan ang mga sugatang guro na mabilis na nasugod sa pagamutan.
Kaugnay nito, nagpahayag ng kalungkutan ang QC government sa inabot ng mga guro matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang donasyong bus sa Orani, Bataan.
Inanunsyo rin ng QC-LGU ang kahandaang bigyan ng tulong ang mga nabiktima ng aksidente.
Taong 2016 nang ipagkaloob ng QC-LGU sa Division of City Schools ang nahulog na bus.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.