Ang edad ay hinuhubog ng salinlahing henerasyon. Pinapanday ito ng karanasan at panahon.
Ito ang dahilan kung bakit pinahahalagahan ng Saligang Batas ang mga senior citizens.
Isa sa kasong tinutukan ng investigative program ng BITAG Multimedia Network (BMN) ang sumbong ng isang senior citizen mula sa Gagalangin Tondo sa Lungsod ng Maynila.
Si lolo Manuel Estrada, 68 years old, ay mayroong mobility incapacity dahil sa aksidente. Kasama siya sa listahan ng Barangay 182, Zone 16 sa Tondo, Maynila na tatanggap ng P2,000 pension.
Pero pagkabigay sa kanya ng P2,000, agad daw itong binawi ni Barangay Chairman Jaime Llorente dahil hindi ito aktibong botante ng barangay.
“Nakauwi na ako ng bahay naming. Pinabalik po ako ng Chairman naming, pagdating ko doon binawi agad yung P2,000. Ang sabi dahil hindi na raw po ako naka-rehistro at hindi na ako bumoboto,” maluha-luhang salaysay sa #ipaBITAG mo ni lolo Manuel.
“Pinicturan pa nga po ako, sabay bawi din ng dalawang libo.”
Kuwento ng senior citizen, hirap itong maglakad kaya hindi nakakaboto.
Ito ang inaksiyunan ng batikang investigative journalist at program host ng #ipaBITAGmo na si Mr. Ben Tulfo.
Ayon sa Office for Senior Citizen Affairs (OSCA), bagama’t nakasaad sa Manila City Ordinance 8576 na kasama sa requirements ang pagiging registered voter, mayroon umano itong exemption para sa mga katulad ni lolo Manuel.
Ayon kay Elinor Jacinto ng OSCA Manila, nakasaad sa exemptions ng ordinansa na ang mga physically o medically incapable na hindi na kayang bumoto ay kwalipikado pa ring tumanggap ng pension.
“Ipinapayo po namin kay tatay (Manuel Jacinto) na sana po ay sabihin niya sa kanilang barangay ang kanyang kalagayan para ma-i-report na rin po sa amin. Mailagay po sa master list ng barangay na siya po ay incapable na po going to voting precincts,” paliwanag ng opisyal.
Dahil sa pag-aksyon ng programang #ipaBITAGmo, inabonohan ng Kapitan ang P2,000 pension ni lolo Manuel.
Agad ding inasikaso ng Manila City Hall ang proseso sa dokumento ni lolo Manuel upang mapabilang siya sa master list ng mga qualified senior citizen pensioner na tatanggap ng P500 kada buwan mula sa Office for Senior Citizen Affairs (OSCA).
Ang mga kahalintulad na kasong ito ay sadyang tinatalakay ng programang Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo upang bigyan ng sapat na impormasyon, babala at kaalaman ang publiko.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.