Hulog sa entrapment operation ang isang pekeng abogado matapos tanggapin ang iniaabot sa kanya na boodle money sa Bacolod City, Negros Occidental nitong Biyernes.
Kinilala ang nahuling suspect na si Jonelyn Lacson, 41, residente ng Purok San Sebastian, Barangay Sum-ag ng nasabing siyudad.
Nabatid na hinihingan umano ng suspek ng P30,000 ang isang negosyante upang mapalaya ang miste
r nito na nakakulong sa Bacolod City Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sa salaysay ng complainant, nagkakilala sila ng suspek sa kanyang salon noong Hulyo 2022 at napag-usapan nila ang nakakulong nitong asawa matapos na magpakilala ang una na isang abogado.
Sinabi ng suspek na tutulungan niyang makalabas ang mister ng complainant at nanghingi ng P5,000 para umano paunang pambayad sa kakausapin nitong opisyal ng BJMP.
Nitong Huwebes ay muli umanong humihingi ang suspek ng P30,000 sa negosyante para naman umano sa pagpapalaya ng mister ng huli.
Lingid sa kaalaman ng suspek, nadiskubre na ng nagrereklamo na nagpapanggap lamang ito na abogado kaya agad na humingi na ng tulong sa pulisya at agad na ikinasa ang entrapment operation.
Sinampahan ng kasong Estafa, Extortion at Usurpation of Authority si Lacson.
Samantala, ayon pa sa opisyal, lumantad din tatlo pang katao na naloko rin umano ng naturang pekeng abogado.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.