Isa ang nasawi at 11 ang naiulat na nasugatan matapos bombahin ang isang pampasaherong bus sa Sultan Kudarat, Linggo ng umaga.
Mariing kinondena ni Joint Task Force Central at 6th Infantry “Kampilan” Division Commander Major General Roy Galido ang pambobomba ng bus ng Yellow Bus Lines (YBL).
Patungo na sana ng Koronadal City ang bus galing Kidapawan, North Cotabato nang bigla itong sumabog sa Barangay Isabela, Tacurong City.
Isang pasahero ang agad na binawian ng buhay sa insidente. Isinugod naman sa St. Louis Hospital ang 11 pang nasugatan.
Dagdag ni Gen. Galido, mayroon nang lead ang militar at ang Philippine National Police (PNP) sa mga posibleng nasa likod ng pambobomba.
Regular na aniyang nakakatanggap na banta ang YBL mula sa hindi pa matukoy na grupo.
Makikipagtulungan na din aniya ang militar sa mga Police investigators para matukoy at manutralisa ang mga teroristang responsable sa insidente.
“The YBL has been constantly receiving extortion messages ever since and we have been working with them. Hindi lang matiyempuhan kaya siguro nag-counteract,” sabi pa ng naturang opisyal.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.