Pormal nang nagsampa ng reklamo noong Lunes, Nob. 7, ang mga kandidata ng Mrs. Universe Philippines Foundation (MUPF) sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Kasama ang BITAG Multimedia Network (BMN) Investigative Team, inilantad ni Ruth Adefuin sa SEC-Corporate Governance and Finance Department ang pangongolekta ng pera sa kanila ng organizer ng pageant.
Ibinunyag din ng complainant ang ginagamit na opisina ng foundation ay hindi totoong opisina, kundi isang resto-bar sa Quezon City.
Bagama’t kinumpirma ng SEC na rehistrado ang MUPF sa kanilang ahensya, hindi raw nakatala sa kanilang records na maaaring maningil at mangolekta ng pera ang foundation.
Ayon sa SEC, isasailalim nila sa Close Monitoring and Assessment of Records ang MUPF.
Binigyan ng ahensya ng limang araw na palugit ang foundation upang magpaliwanag sa reklamo ng mga kandidata.
Kung mapapatunayan ang mga paglabag, lalabasan daw ng show cause order ang MUPF upang masuspinde o ma-revoke ang kanilang certificate of registration.
Matatandaang lumapit sa Pambansang Sumbungan: #ipaBitagmo ang mga kandidata ng Mrs. Universe Philippines na sina Jessa Macaraig, Ruth Adefuin at Michelle Lucas upang ibunyag ang crown-fixing scheme at pangongolekta ng daan-daan libong pera ng organizer ng pageant.
Malaking halaga raw ang kailangan nilang ilabas sa pagsali sa pageant kabilang na rito ang obligasyon na P50,000 para sa registration fee; pagbebenta ng mga tickets na nagkakahalaga P5,000 kada isa; subscription ng water refilling machine na nagkakahalaga ng P249,000; at P350,000 cash para makasali sa international pageant sa Korea. “Ayaw narin kasi namin itong matulad sa mga ibang nanay na negosyante, kumbaga awareness na rin sa kanila para hindi na sila makaranas na magatasan at magkautang-utang sa pagsali,” wika ni Adefuin.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.