Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group – Cavite ang isang babae na nagpapanggap na lisensyadong dentista sa Trece Martires, Cavite nitong Biyernes, Nobyembre 4.
Kinilala ang suspect na si Syrah Rodriguez, isang dentistry student at residente ng Brgy. Inocencio, Trece Martires City, Cavite.
Natanggap ng CIDG – Cavite ang reklamo mula mismo sa mga opisyal ng Philippine Dental Association (PDA) laban sa suspek.
Sa panayam ng Bitag Multimedia Network kay Dr. Narisa Ragos, Deputy Chairman Campaign Against Illegal Practice Philippine Dental Association, hindi maaaring magtayo ng klinika o magsagawa ng dental procedure ang isang dentistry student.
Dagdag pa ni Dr. Ragos, delikado umano na sumailalim ang isang pasyente sa sa iba-ibang dental procedures sa kamay ng mga nagpapanggap na lisensyadong dentista.
“Maaring mako-compromise ang dental health ng mga pasyente at posibleng mag cause ng permanent damage sa oral cavity,” ayon kay Dr. Ragos
Ayon sa PDA, nasa mahigit 50 kaso na ng mga illegal practitioners ang ipina-aresto nila dahil sa pagpapanggap na professional practitioners.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9484 Philippine Dental Act of 2007 ang suspek.
Payo ng PDA sa publiko, tiyakin na nakapaskil ang certificate of registration mula sa Professional Registration Commission (PRC) ang klinika. Maaari rin bumisita sa www.prc.gov.ph upang makita kung lehitimo ang isang dentista.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.