Tila walang kadala-dala ang JRU Heavy Bombers na si John Amores matapos masangkot ulit ito kahapon sa isang hardcourt brawl.
Simula nang masuspinde sa Universities and Colleges Basketball League (UCBL) noong
Hulyo, muling nasangkot sa gulo si Amores nang sugurin nito at pagsusuntukin ang
ilang manlalaro ng CSB Blazers sa NCAA season 98 noong Martes, Nob. 8.
Mahigit tatlong minuto bago matapos ang match, lamang ng puntos ang Blazers kontra Heavy
Bombers, 71-51, nang biglang sumugod sa bench ng kabilang koponan si Amores.
Sinubukang pigilan ng mga opisyales at ibang manlalaro si Amores subalit sila’y bigo kabilang
na dito ang JRU Management Committee (Mancom) representative na si Paul Sapan.
Nagpakawala ng mga suntok si Amores kung saan tinamaan sa mukha si Jimboy Pasturan at nabigwasan naman sa panga si Taine Davis.
Bago ang insidente, mainit na ang kiskisan nina Amores at Mark Sangco ng Blazers.
Dahil sa nangyaring boksing sa harcourt, nagdesisyon ang pamunuaan ng NCAA na itigil ang laro at idineklarang panalo ang Blazers.
Noong Hulyo, matatandaang nasuspinde si Amores matapos suntukin sa mukha si Mark Gil
Belmonte ng University of the Philippines sa preseason tournament ng UCBL.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.