TAUN-TAON ang bansang pinas, tinatamaan ng malalakas na bagyo. Sa kasamaang palad, laging may mga nasasawing kababayan natin dahil sa ganitong uri ng kalamidad. Kung pag-uusapan ang bagyo, maituturing na “danger zone” ang ating bansa. Subalit karamihan sa atin, nasanay nang mamuhay sa ganitong uring panganib kung pag-uusapan ay bagyo.
Tila ba tinanggap na ng karamihan sa atin na kabahagi na ito ng buhay, “swerte swerte lang ika nga!” Kaya karamihan, nasanay na sa ganitong “fatalistic attitude” o “bahala na!” Bagamat marami ang nakaka-survive, ‘yung mga nakaranas at nalagpasan ang panganib ng kalamidad ay nabuo ang kanilang kumpiyansa. Subalit ang kanilang kumpiyansa, sumasalungat sa pre-emptive evacuation protocols ng lokal na pamahalaan.
Dahil kumpiyansang makakaligtas ay pipiliin nilang manatili sa kanilang mga bahay. Kaya ang hindi paglikas sa kanilang mga lugar sa kabila ng preemptive evacuation, itinuturing na katigasan ng ulo. Mga bossing, mga tsip, mga kongresman, mga gobernador, mga mayor, mga barangay captain, ‘wag naman ganoon. Para naman tayong hindi mga pinoy niyan.
May pinaghuhugutan ang kanilang desisyon, magkakaiba tayo ng pananaw kung anong mas mahalahaga. ‘Yung ari-arian na maituturing nilang yaman o ang kanilang buhay. Para sa mga maliliit nating kababayan, ang kanilang mga ari-arian at ang kanilang mga alagang hayop ay maituturing na yaman.
Kapag nawala sa kanila ito, parang wala na ring saysay ang kanilang buhay. Kawawang nilalang na nga sila magiging lalong kawawa pa. Gets mo ba Antique Governor Rhodora Cadiao? Dismayado ka daw Gob? Nagagalit daw kayo doon sa mga kawawang constituent ninyo na pinalilikas sa pamamagitan ng pre-emptive evacuation?
Noong tinawag mong matitigas ang ulo ang mga constituents mo, sinopla ka ni PPBM. Unfiltered, “hindi matitigas ang ulo ng mga pilipino!” Unsolicited advice Gob, let’s watch our language next time lalo na kapag nasa tabi mo ang Pangulo ng Pilipinas. Kailangan ng mga kababayan natin ng awa, pang-unawa at pagtulong.
Intindihin mo muna ang kalagayan ng mga constituent mo. Hihiramin ko ang sabi ni PBBM, find a way to convince them.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.