MGA ‘PULPOL’ NA PULIS, PWEDE BANG KASUHAN?
Marami nang kaso ng kapabayaan, kapalpakan at pang-aabuso ng ilang miyembro ng Philippine National Police ang trinabaho ng BITAG Investigative Team.
Mga reklamo ng mga inosenteng indibidwal na ipinasok ng selda dahil sa maling imbestigasyon ng mga arresting officers ng bawat police station?
Pero paano nga ba kung ‘pulpol’ o walang alam ang arresting officer na reresponde sa kaso? Pwede ba tong kasuhan?
Detalyado at punto-por-puntong sinagot ng resident lawyer ng BMN na si Atty. Melencio ‘Batas” Mauricio ang isyung ito.
In the event of WARRANTLESS ARREST:
ATTY. BATAS: “Ang problema po dito, hindi alam ng pulis ang kanyang mga dapat na ginagampanan nilang tungkulin. Bago po ninyo imbitahan kahit po invited for questioning lang ang isang tao, tungkulin niyo magbigay kayo ng abogado kaagad.”
Ayon pa kay Atty. Batas: “Kung hindi kaya nung taong iniimbestigahan na magkaroon ng sariling abogado, ang kapulisan, sila po mismo ang kukuha ng abogado at kung wala silang maibibigay, hindi po nila pwedeng hatakin o hulihin ang isang tao.”
Ang mga pulis na hindi alam ang ginagawa, maaari raw kasuhan ng paglabag sa Republic Act (RA) 74388; 3019; at 6713. Ang mga lalabag nito, maaaring mahatulan ng walong taong pagkakabilanggo ayon kay Atty. Batas.
“Magdemanda dahil ito po, paglabag sa Republic Act 7438, paglabag sa Republic Act 3019 at paglabag sa Republic Act 6713. ‘Yung code of conduct and ethical standard for government officials and employees, lahat po ng mga batas na ito, nagtatakda ng alituntunin na dapat ginaganap, sinusunod ng mga kapulisan at lahat ng kawani ng opisyal ng gobyerno.” Balikan kung paano sinermunan ng #ipaBITAGmo ang mga pulis Maynila na nag-imbita lang ng tatlong empleyado ng mall, pero agad silang ipinasok sa selda at kinasuhan pa sa hukuman.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.