Inaresto ng Bocaue Police Station ang walong katao kabilang ang operator ng factory matapos maaktuhang gumagawa ng iligal na paputok sa isang residential area sa Brgy. Binang 1st, Bocaue Bulacan noong Miyerkules, Nob 9.
Kinilala ni PCol. Relly Arnedo, Acting Director ng Bulacan Provincial Police Office (PPO) ang mga nadakip na sina Orlando Dela Cruz, may-ari ng pagawaan ng paputok, at mga tauhan nitong sina Christian Abubo, Darell Prajes, Bladimir Salde, Rodel Alegria, John Kevin Alegria, Jojo Parrocha, at Arnel Abubo.
Walang naipakitang ligal na dokumento at permit si De la Cruz sa kanilang operasyon.
Nakuha sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng paputok na kinabibilangan ng 73 pirasong ‘Pagoding’, 106 na ‘Rambo Pagoda’, 92 na ‘2-layer Pagoda’, 106 ‘full RC close Pagoda’, 40 na ‘1-layer Pagoda’, 50 na ‘3-layer Pagoda’, at 28 pirasong ‘4-layer Pagoda’ na may kabuuang halaga na P200,000.
Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 7183 (An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices) ang mga nahuli.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.