Sino ang hindi magkaka-interes sa ayuda? Instant cash – perang galing sa tao, babalik sa tao.
Ito ang malinaw na saysay kung bakit may ayuda.
Pumutok ang pandemya noong 2020, sinundan ng lockdown! Binalot ng takot ang buong mundo dahil sa Covid.
Tumigil ang maraming serbisyo. Walang trabaho. Kapos ang supply ng pagkain, gutom ang tao.
Antimano, tila naging ‘hulog ng langit’ sa mga Pinoy ang ayuda. P5,000 hanggang P8,000 ang instant cash na ipinamudmod ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Tinawag itong Social Amelioration Program (SAP).
Nanganak ang SAP, nagbunga ng iba’t ibang anyo ng ayuda. May tinawag na fuel subsidy, subsidiya sa pamasahe, food subsidy, food packs, at iba pang cash assistance sa ilalim ng Emergency Subsidy Program (ESP) ng DSWD.
Nasa ilalim ito ng mandato ng Republic Act (R.A.) No. 11469 o “Bayanihan to Heal as One Act” at JMC No. 1 Series of 2020.
Sa mismong konteksto ng SAP – malinaw ang mandato ng DSWD – ipamahagi ang available na pondo ng gobyerno para hindi gutumin ang milyun-milyong tao.
‘Yung mga nasa gitnang katayuan sa buhay, mga nasa laylayan – o kahit mga mayaman o kahit mga nag-mamamayan. – ‘grasya’ ang hatid ng ayuda, wala itong duda.
Ironic ‘di ba? Dahil sa Covid, naramdaman ng tao na may totoong gobyerno.
May perang nakalaan sa tao. Ang pera ng tao, kusang bumalik sa tao.
Ito ay aral ng nakaraan na siguradong tatatak sa salinlahing henerasyon ng mamamayan.
Sa darating na taon, papalo sa P206.5 bilyon ang gagastahin ng pamahalaan para sa subsidiya at ayuda.
Paraan ito ng pamahalaan para maibsan ang pagsisikip ng sinturon ng mga Pinoy dahil sa taas-presyo ng mga serbisyo at bilihin.
Sinikap ng Investigative Reportage ng BITAG Multimedia Network (BMN) na pulsuhan ang ‘Man on the Street’.
Mga pangkaraniwang Pinoy, ramdam mo ba ang “ayuda”?
PANOORIN:
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.